Chapter 17

75 6 0
                                    

July 31, 2017
10:00 P.M.

Angela

: I miss you, babe!

: Sorry kung ngayon lang ako nag-pm.

: Dinalaw kasi ako ng bwisita ko at sumakit ang puson ko magmula noong July 29 at hanggang kahapon, kaya ngayon lang ako nakapag-pm kasi busy pa rin ako.

: Ang hirap mag-multitasking

: At saka magulo na naman sa bahay.

: Ewan ko ba. Hindi ko na alam kung kailan matatapos ang hindi nila pagkakaintindihan.

: Tumatanda silang isip-bata.

: Maraming salamat pala sa load. Nakakahiya na kasi palagi mo akong nilo-load-an, e, natanggap ko naman na ang 90 pesos tapos maya-maya nag-load ka na naman ng panibagong 90. Dami ko ng utang sa iyo!

: Hindi lang ako makapag-reply sa iy para magpasalamat dahil ayaw kong hawakan angcellphone ko kapag marami akong ginagawa. Kasi alam mo iyon, kapag oras na hinawakan ko ang cellphone ko hindi ko na mabibitiwan.

Angelo

: Masaya akong
nag-chat ka na.

: I miss you so much.

: Pero ganoon ba talaga kahirap mag-reply ng salamat | Deleted

: Parang lumalabas na excuse mo lang ang lahat | Deleted

: Ayaw kong sabihin kasi baka mas lalong mag-init ang ulo mo at hindi ka na naman mag-chat sa akin. Siguro, huwag ko na lang pansinin dahil parang totoo naman mga rason mo. Bahala na ang Panginoon sa ating mga binibitiwang salita dahil alam niya kung kasinungalingan lang ba o hindi ang lahat | Deleted

: Gusto kong maging energetic pero hindi ko kaya ngayon. Pakiramdam ko pagod ako | Deleted

: Babe, sorry rin kung puputulin ko na ang pag-uusap natin, haaa?

: Inaantok na kasi ako at napakarami kong ginawa kanina. Ang kukulit pa nila LM dahil sinaniban ng kaluluwa ng pagkabata, kaya ayon, naghabul-habulan kami na parang bata sa plaza.

: Good night. See you in dreamland.

Angela

: Have a good rest. Good night!

Angelo

: I love you.

My Angela (CHAT SERIES #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt