Chapter 8

109 3 0
                                    

July 9, 2017
11:08 PM

Angelo

: Online paaa?

: Tulog ka na?

Angela

: Still awake.

: Hinihintay kitang mag-online.

Angelo

: Hinihintay mo ako?

: Naghihintayan lang pala tayong dalawa.

: Akala ko kasi tulog ka na.

: Nag-chat lang ako para kumpirmahin pero gising ka pa pala.

: Mag-chat ka lang sa akin o hindi kaya mag-text o tumawag.

: Kulitin mo ako.

Angela

: Baka kasi tulog ka na at ayaw naman kitang gisingin.

Angelo

: Hindi ba ang sabi ko sa ‘yo, mag-chat ka lang.

: Sasabayan kita
sa gusto mo.

: At saka hindi ka pa nasanay sa aking laging puyat at any time ay naka-online.

: Nakalimutan mo na yatang 3 A.M na ako natutulog.

Angela

: Opo. Sorry na.

: Miss na agad kita.

Angelo

: Naglalambing na naman. Huwag ganiyan baka langgamin ako rito.

Angela

: Para ka talagang si budoy.

Angelo

: Budoy?

: Mas guwapo naman ako d’on!

: Sobrang layo sa Angelo Flores mong boyfriend, babe.

: Anghel mo ako at anghel kita.

: Dapat pala Angel tawagan natin.

Angela

: Alam mo bang medyo nalilito ako sa pangalan natin?

: Hindi bagay. Mas malilito lang ako.

Angelo

: Nalilito rin ako.

Angela

: Angelo tapos Angela.

: Parehas na angel

Angelo

: Kaya nga nagkatuluyan tayo kasi asawa ni Angela ay si Angelo.

Angela

: Ang korni mo!

Angelo

: Mahal mo naman?

Angela

: Oo naman. Mahal na mahal.

Angelo

: Kinikilig betlog ko.

Angela

: Bastos!

Angelo

: Bastos, nakahubad. Nakikita mo bang nakahubad ako at nakahubad ba akooo?

Angela

: Bakit, hindi ka ba naghuhubad kapag naliligo ka?

Angelo

: Naghuhubad.

Angela

: Iyon naman pala.

Angelo

: Hindi ka na naman ba makatulog?

Angela

: Medyo inaantok na

Angelo

: Mahal kita kaya matulog ka na.

Angela

: Pinapatulog mo na agad ako, e, hindi pa ako masyadong inaantok.

: Mag-usap pa tayo.

Angelo

: Oo. May nabasa kasi akong post saka ni-share ko pa 'yon.

Angela

: Anong sabi?

Angelo

: Na kapag mahal mo, huwag mong hayaang magpuyat para makausap ka lang.

Angela

: So?

Angelo

: Base on my research also, bawal talagang magpuyat. Kahit isang araw ka lang magpuyat, mababawi mo ang puyat mong 'yan sa tatlong linggong pagtulog ng maaga. Kapag araw-araw magpuyat: magkaka-insomnia ka, magkaka-pimples, migraine, pagkahilo, heart failure, etc. maraming sakit  na maidudulot sa 'yo ang pagpupuyat so I don't want you to be sick.

Angela

: Oo na, matutulog na ako.

Angelo

: It's already 11:45 in the evening. You should sleep. Good night. Kita kits sa panaginip.

Angela

: Payakap kapag nagkita tayo sa panaginip. Miss na kita.

Angelo

: *hugs*

July 10, 2017
12:07 AM

Angelo

: Good morning! Sleep well, babe. Matutulog na ako. Sana uso teleportation nang mayakap kita. Lol.

: Let’s keep each other updated.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now