Chapter 24

83 4 0
                                    

August 20, 2017
10:57 P.M.

Angela

: Finally, I am already free.

: Usap na tayo!

: Naka-online ka naman. Naiwan mo bang naka-switch on ang data mo?

: Nako! Makakalimutin ka na.

Nakasimangot akong nakatitig sa phone screen ng cellphone ko. Napapansin kong nagiging madalang na ang aming pag-uusap. Halos hindi na nga kami mag-usap at kung wala na akong gagawin, siya naman ang tila may maraming ginagawa.

Hirap na hirap na ako sa set up naming dalawa. Aaminin ko sa sarili kong unti-unti na akong nauubusan ng gana. Goal kong maging kami na hanggang sa huling hininga naming dalawa. Nagsasabi lang akong ayaw kong magpakasal, pero sa loob-loob ko gustong-gusto kong magpakasal at magkaroon ng masayang pamilya sa lalaking mahal na mahal ko.

Ibinalik ko ang daliri ko sa keyboard ng laptop ko para mag-iwan ng mensahe sa kaniya.

Angela

: Busy ka nga yata.

: Hindi na kita mahihintay kasi inaantok na ako.

: ▶--------:30

Hi, babe, My Angelo.I miss you and I love you. Hope you are okay, there. Ingat ka palagi. *giggled and a sound of kiss in the end of voice message*

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now