: Tinadtad na naman kita ng message. Mahal kasi kita kaya tatadtarin kita ng pagmamahal ko.

: Sana magkaayos na tayo soonest.

: I love you.

Seen 11:34 AM

Angelo

: Nabasa moo

Angela

: Sipag mo!

Angelo

: Gano'n talaga kapag mahal mo po. Mahal po kasi kita.

Angela

: Kaibigan niya 'to, so mahal mo rin ako?

Angelo

: Siya lang po.

Angela

: Ang sweet mo naman.

: Paano kung sinabi niyang ayaw na niya, anong gagawin mo?

Angelo

: Sisiguraduhin ko muna kung ayaw na niya bago ko palayain. Baka kasi sinumpong lang siya gano'n.

: 'Di ba nga may kantang, 'napakadaling sabihing ayaw mo na, pero pinag-isipan mo ba?'

Angela

: I love you

Angelo

: Kaibigan ka niya pero nag-i-i love you ka sa akin?

Angela

: Si Angela ito baliw!

Angelo

: Sabi ko na nga baaa. May pagpapanggap ka pang kaibigan, haaa?

: Pero kahit alam kong ikaw iyan, sinigurado ko muna baka kasi mamaya kaibigan mo pala.

Angela

: Siyempre para subukan ma.

Angelo

: Hindi mo ako mauuto.

: Sinakyan ko lang trip mo.

Angela

: Ang tiyaga mo po

Angelo

: Kapag tiyaga may nilaga.

Angela

: Dami mong knows!

Angelo

: Siyempre may utak 

Angela

: Bati na tayo, ah?

Angelo

: Oo, para tayong bata. Napapadalas ang away

Angela

: Ikaw kasi!

Angelo

: Oo na, ako na.

Angela

: Tayong dalawa kasi ang may kasalanan.

: May pagkakamali ka pero mas nagkamali ako.

Angelo

: Oo, tama na 'yan. Kapag wala ka sa mood, kumanta ka na lang.

: Hindi, huwag
ka na lang munang mag-online.

: Para 'di kita mainis.

: Para wala akong masabing hindi maganda at hindi ko mapansin ang paraan ng pag-chat mo sa akin. Para maiwasan ko ring ma-paranoid.

Angela

: Umatake lang ang mood swings ko.

Angelo

: Naiintindihan ko 'yon, babe.

Angela

: Suwerte naman ng babaeng makakatuluyan mo.

Angelo

: Suwerte mo, babe.

Angela

: Don't conclude yet. Baka sa sobrang pagka-mood swing ko sa iyo, maghiwalay na tayo kaya hindi ako babae talaga para sa iyo.

Angelo

: Huwag negga, babe. Hindi 'yan mangyayari kung patuloy nating pagtitiisan ang isa't isa. Iyan ang itatak mo sa isipan mo. Kapag kasi naging negative ka, anong mangyayari sa ating dalawa? Maglalaho lahat ng pangarap natin. Mas malakas kaya ang virus ng negativity kaysa sa positivity.

: Think positive, okay? Kababati lang natin.

: Feel free to
message me.

Angela

: *sending hearts and virtual hugs*

Angelo

: I love youuuu

: Sending hearts and virtual hug also.

Angela

: Siya nga pala, hindi ulit ako makakatambay nang matagal sa facebook.

: Alam mo na. Student duty muna.

: At huwag kang manghinala dahil wala akong gagawing ikagagalit mo.

Angelo

: Opo, hindi naaa.

: Pangakooo ko po iyan sa 'yo.

: Ako rin, magiging busy at sinisigurado ko ring ikaw lang.

Angela

: Good night!

Angelo

: Nightttt, babe kooo.

Angela

: I love you and I miss you!

Angelo

: I love you too.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now