CHAPTER FIVE

73 3 0
                                    

MONSERRAT

I sighed in frustration. Nawawalan na ako ng pasensiya.

"Eh bakit nga ako sasama sa inyo? May mage-gain ba ako kapag sumama ako?" I glared at this annoying little brat seating on her bed. Her hair is so messy right now. Parang kagabi lang, except that she's clean. Namumungay ang kanyang mata dahil sa pagkagising.

"You've been sleeping for five hours! Do you plan to take a nap the whole day?" Tanong ko. Umirap naman ito.

"Yes! Now, go out!" Sigaw niya. Napapikit ako.

"Hindi nga pwede. Dad told me to take you. Hindi kami makakalabas dito nang hindi.ka.kasama." May diin kong banggit.

Sinabunutan niya ang buhok niya sa pagkainis. May binulong pa ito na hindi ko narinig. The guts of this lady ...

She stood and walk towards me. Noong una akala ko ay papayag na siya, ngunit nang tumigil siya sa aking harapan ay malakas niyang hinawi ang buhok niya sa mukha ko. She flip her hair to my face and walk towards the veranda.

"Edi huwag kayong lumabas." Anito.

This brat. I silently groaned in annoyance. This won't do. Naghihintay na si Celeste sa labas.

I grabbed her arm. "What the hell? Don't touch me!" Asik niya. Hinila ko ito papunta sa bathroom.

"Take a bath and come with us!" Utos ko at binuksan ang pinto. A sudden smell captivated me. It smells like a rose shampoo, and a familiar ... perfume.

"I won't go nga sabi eh!" Hinampas ako ng babaeng kasama ko.

"Aray!" Hinawakan ko ang parehong kamay niya at ipinasok siya sa bathroom.

Binuksan ko ang gripo sa malapit na sink. "Let me go! What are you doing?" Reklamo niya.

"Hihilamusan ka. Gusto mo nang sapilitan eh." Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. I locked her with my left arm. My right hand reached for the running water.

"Bitawan mo ko. Help! Ahhhh!" Irit nito.

"Shut your fucking mouth!" Suway ko. Nagpumiglas itong mabuti ngunit mas nanaig ang lakas ko.

"Help! There's a pervert in my room! He's molesting me! Ahhhh!" Hindi ko pa din siya pinakawalan. She will only get out here once she's clean and neat.

"Don't be an idiot. You know that your room is soundproof." I plastered a smirk while looking at her in the mirror. Her face is now filled with great annoyance. "Now behave."

"Ano ba?!" Binasa ko ang mukha niya. I grabbed the soap and washed her face. "Be gentle... my eyes... " Reklamo nito.

Kaagad kong binanlawan ang bumubula niyang mukha. I released her and grabbed the towel hanging near the cabinet at hinagis ito sa mukha niya. "Dry yourself."

Lumabas ako ng bathroom at nakarinig ako ng napakalakas na sigaw.

"Ugh! I hate you!" Anito.

Riding in  a horse, tinahak namin ang daan papunta sa talampas. Celeste has been talking why she wanted to go on the hill. Nabanggit ko kasi sa kanya na tanaw roon ang kalakihang bukirin at dalampasigan ng Aurora.

"You know, it's really a pleasure to go with this trip, buti na lang at pinayagan ako ng parents ko.  I really wanted to take a break, see something nice, and breath some fresh air. Hindi tulad ng hangin sa Maynila. Puro usok!" Celeste said who's riding with me.

"Well, it's my pleasure to tour you." Sagot ko when a sudden sound of vomiting distract our good conversation.

"Nakakasuka!" Asik ng babae sa aking kanan na nakasakay sa sarili niyang kabayo. "Sorry, sumama ata ang tiyan ko." Pagdadahilan niya. I glared at her. Sumasakit ang sentido ko sa babaeng ito but I will still be patient with her... at least, if she wouldn't try to annoy me ten times today.

When Playboy Meets The OddTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon