CHAPTER THREE

93 4 0
                                    

SAGE

I don't wanna go anywhere. Kanina pa nila ako pinipilit na sumama sa kanila but I keep on rejecting them. Simula nang malaglag ako sa dagat ay hindi na ako lumalagpas pa ng dalampasigan. I don't even want to talk to them.

"I think we must let her do what she want Analie. Hayaan na natin siya." Alessia said. "If you want some company, we're just there, in the tree house near the shore." I nodded not interested.

"She's so rude, siya na ang sinasamahan." Rinig kong bulong ni Ericka.

"Stop it. That's not nice." Ani Analie. "Sige una na kami, Sage."

Iniwan na nila ako after. I keep on patting this cute little calf. Maraming alagang baka ang mga Luces. They have a shelves, pero ang ibang baka ay narito sa malaki nilang bakuran. Their mansion are almost like a hacienda. For a vacation, it is advantageous dahil malapit ito sa sea, at malapit rin sa fields.

"You're such a lucky calf, with your mother beside you."

"Mooo!" The big cow near the calf answered. Humugot ako ng maraming damo at pinakain sila.

"And you're a good mother...." I gave half of the grass to the big cow as I give the other half to the baby. "It's just sad that someday, people will buy you to make some steaks, and burgers."

"Mooo! Moo!" The cow whimpered, para bang naiintindihan ang sinabi ko. Even the baby is "moo-ing" too.

"Joking! Sorry for threatening you. Huwag kayo mag-alala, kapag kinatay kayo, I'll let myself starve, para lang di kayo makain."

I laughed when they answered again. These cows are brainy! Mukhang mapapadalas ako dito.

"Congratulations you two, you both just became my first friends!" Humugot pa ako ng maraming damo at pinakain sa kanila.

A group of teenagers with their speaker freely playing a music I don't even know the title suddenly appeared.

"Sabi ko naman sayo, lahat yan nagloloko, pagkatapos pagkatiwalaan biglang lalayo, oh, oh. Kaya huwag nang uulit pa. Kaya huwag nang uulit pa."

They are singing in chorus but not on a harmonious way. Madudungis ang mga ito at mukhang ang iba ay naligo pa yata sa dagat dahil basa ang damit.

"Uy chicks!" One of them said nang mapansin ako. "Hi ate, Jacob pala."

"Babaero ka talaga! Huwag niyo pong pansinin ate." The girl beside him said.

"Selos ka lang eh." Anito at kinindatan ang babae.

"Uy Mara at Jacob. Macob! Yieee..." Bigla akong natawa. Hindi ko mapigilan cause the kids nowdays are just so weird.

"Natatawa si Ate oh." Turo nila sakin. "Miss beautiful, doon ka ba nakatira sa malaking bahay?" The second girl ask.

I dumbfoundedly nodded while scanning their looks on their faces. Ang iba ay tulalang nakatitig sa malaking bahay di kalayuan sa akin, samantalang ang iba ay ngingiting ngiting nagbulungan.

"Ang ganda siguro ng loob niyan noh?" I heard from the girl in a high ponytail.

"Sabi ng nanay ko, matakaw sa mata sa mga magnanakaw yung mga ganyan kalaki. Delikado!" The boy holding the speaker answered.

A smile escaped my lips. Well, totoo iyon. Maraming masasamang tao ang may interes sa mga ganito kalaking bahay at lupain. Alam nila na kahit anong makuha nila sa loob ng mga bahay na ganito, katiting na bagay lamang ito para sa mga nakatira doon. They can always get another piece of what they've lost. That's the power of being rich.

When Playboy Meets The OddWhere stories live. Discover now