Episode 21

176 14 10
                                    

Strangers into Lovers

Episode 21

Harmoni's POV

Nasa loob na kami ngayon ni Ice sa kanyang sasakyan on the way sa kakainan namin andami kasi niyang arte eh. Bago kami makasakay dito sa kotse niya eh syempre nagbangayan pa kami kasi gusto ko na dito na lang kami sa bahay magdidinner at ako na lang ang magluluto para less gastos. But yeah- his the boss- wala akong na gawa kundi ang sumakay sa kotse niya habang nakabusangot. Naka sandal ako sa siradong bintana ng sasakyan ni Ice habang nakatingin sa dinadaanan namin. Hindi naman gaano ang trafic ngayong gabi kaya chill lang yung pagmamaneho niya. Nahuhuli ko pang napapatingin si Ice sa gawi ko at ngumingiti na parang engot wala namang nakakatawa. Or baka inaasar lang ako ng isang to bakit ba ganyan siya ngayon masyadong papansin porque hinalikan niya ako nong isang gabe?!

"Tigilan mo yang pagngiti ngiti mo Isacc." Inis na giit ko habang nakatingin pa din sa daan. And i heard him laugh a little.

"Im not smiling." Sagot niya

"Sipain kaya kita jan." Inis na saad ko.

"Ang init naman niyang ulo mo." aniya at tumawa na lang, muli ko siyang nirapan at hindi ko na siya pinansin.

This past few days living with this man is kinda amazing, naging masaya ako sa hindi ko malamang dahilan.

I think i love him more than i know, yes i love him i just realized that by now.

"Saan ba tayo pupunta ice?" pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Just wait and see, i know you'll love it." giit niya at kinindatan ako.

Shotangna kung alam nyo lang kung gaano ka pa fall ang lalaking ito, hindi ko na talaga mapigilang mahalin na siya. Nakakainis siya nakakainis tong nararamdaman ko, paano kung napa amin ako? napa amin ako na mahal ko siya?

Hindi ko lang siya basta gusto lang, mahal ko na siya. That kiss last night i can't get over about it.

Habang nagiisip hindi ko namalayang naka tulog na pala ako, hindi ko namalayang naka rating na pala kami sa aming distinasyon.

"Hey harm wake up, we're here." Si Ice na ginigising ako, agad kong minulat ang mata ko at tinignan ang baligid.

Ginawaran niya ako ng makalaglag panty nyang mga ngiti. Don't judge me, ganyan ka din sa jowa mo dai kaya same vibes tayo.

"Sobrang ganda dito ice, pa ano mo na hanap ang gantong klasing lugar kung hindi ko iisiping nasa pilipinas tayo baka mapagkamalan kong nasa ibang bansa tayo." excite na sabi ko.

Totoo namang sobrang ganda ng view sa pinuntahan namin isa itong over view malapit sa dagat pero nasa ibabaw na parti kami.

Maraming tao dito at halos lahat na nandito ay magkasintahan. Sabay rin nila pinanood ang napakagandang paglubog ng araw, huminga ako ng malalim habang nilalasap ang malakas at preskang hangin na tumatama sa pisngi ko.

Thank you Ice for bringing me here, i feel safe and free when im with you.

Sabi ng isip ko at tinignan siya, pero ganon na lamang ang bilis ng puso ko ng makita kong nakatingin din pala siya sa akin.

He smiled at me, yung ngiting ako lang ang nakikita niya at walang iba.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin muli sa magkahalong kulay pula at violet na langit, "ang ganda ng langit ice." giit ko.

"You're more beautiful than the sunset harm," aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Isa lamang ang nakikita ko, sana totoo. Tingin ng isang taong nagmamahal.

Stranger's into Lover'sWhere stories live. Discover now