Episode 16

687 23 7
                                    

Strangers into Lovers

Episode  16

Harmoni's POV

10 SIGNS. Yan yung hinihingi ko kay God para mapa tunayang si Ice na nga ba at may gusto nga ba ako sa kanya. Lately kasi ibang iba yung pintig ng puso ko sa kanya, hindi naman siguro sakit sa puso ito no. Wala naman kasi sa pamilya naming may sakita sa puso ano yun ako lang meron? Pero yun nga ang 10 signs ko is yung mga bagay like; number 1 sign yung kaya niya akong ipagluto, gezz! ilang beses na ba akong nilutuan ni Ice? Daming beses na since dumating ako sa buhay niya. Number 2 sign lalaking kaya akong ipagtanggol. Number 3 sign yung kayang hawakan ang kamay ko sa public kayang ipakita sa mga taong ako yung babaeng para sa kanya. (Corny ba?)  Yan muna wala pa akong maisip na corny na signs pero sa loob loob ko alam na alam ko na kung ano. Kung tama nga ang mga signs na nailatag ko at na ipakita yun lahat oh na iparamdam sa akin yun ni Ice edi boom!

Weeks had passed since naka uwi kami galing sa farm nila Ice at naging masaya naman ang uwi namin at stay doon. Pero kung ang paguusapan tungkol kay ice? Maiinis lang kayo dahil yawa talaga siya yawa! gwapong yawa! grrrrr.

At ngayon nasa trabaho ako at busy busihan ang ekek ng inyong bidang buntis chos! so yun nga andito nga ako sa ME at tambak tambak na papel ang pinagbabasabasa ko.

"Kaya pa ba gurl?" Tanong ni Ms. Pinty sa akin, tinignan ko naman siya ng nakaka awa look. Tawa naman siya sa ginawa ko at nginusuan ko nga. "HAHAHAHA alam mo? pahinga kana muna okay? baka mapano pa yang baby mo." Sabi niya kaya napa ngiti naman ako sa sinabi niya at kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

Kasalukuyang andito ako sa office ni Ms. Pinty dito niya na ako pinapapasok dahil nga wala pang available na office dahil sa dami ng employe ng ME. Okay lang naman sa akin dahil mas gusto ko na may nakakausap ako. Nasa table ako ni Ms. Pinty muna gumagawa ng pinapagawa ng kataastaasang Zora HAHAHAHAHA. Hindi pa kasi dumadating ang table na ipinakuha ni Ms. Pinty kina kuya Philip, kaya dito muna ako sa table niya dahil palagi naman siyang wala dito kasi nga palagi siyang kausap ni Tandang Zora.

"Samahan mo ako, ako lang kakain magisa eh." Sabi ko naman habang nililigpit ang aking mga gamit. Around 12noon na kaya lunch time na at gutom na din ako, bawal pa naman ako malipasan ng gutom.

"Okay sige hintayin mo ako liligpitin ko lang mga gamit ko." Aniya tsaka tumango naman ako sa kanya.

"Dito na lang ako sa labas maghihintay sayo Ms. Pinty." Sabi ko at naka ngiting tinanguan niya lang ako. Tsaka ako lumabas ng office niya at naghintay na lang ako dun sa labas. Nginingitian ko lang ang mga empliyado na dumadaan at tatango lang ako.

After a few seconds lumabas na si Ms. Pinty dala ang kanyang bag.

"Lets go." Aniya tsaka tumango ako.

Nag tungo kami sa pinakamalapit na kainan ditp sa ME dahil kapag sa malayo pa kami pumunta ih hassle na para sa amin. Kaya better na dito na lang sa location ng ME kami maghanap ng kainan. And good thing! Naka hanap din kami ng isang fast food chain na may tatlong building ang pagitan mula sa ME. Okay na rin ito dahil malapit lapit lang sa ME, kaagad kaming naghanap ng table ni Ms. Pinty na malapit sa pintuan at yun good thing bakante lang and good for two person. Umupo na kaagad ako sa kanang bahagi bali naka talikod ako pintu.

"Ako na magoorder jan kana lang maghintay." Presinta niya sa akin at tumango naman ako sa kanya at nagtungo na siya sa counter.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa loob ng bag ko at ng mabuksan ko ito ganon lang din ang gulat ko sa daming missed calls and text mula kay ice. Nanlaki naman ang mga mata ko habang iniisa isa ang mga text niya sa akin.

Stranger's into Lover'sWhere stories live. Discover now