Episode 5

803 31 3
                                    

Stranger's into Lover's

Episode 5

Isacc's POV

"I said explain to me bakit umalis ka sa bahay niyo? May nangyari ba?" Ulit na tanong ko sa kanya kanina pa ako nagtatanong pero nakatitig lang siya sa akin.

"Ang gwapo mo talaga." Out of the blue na sabi niya, tinignan ko naman siya ng seriously'-look dahil sa biglang sinabi niya. At ano daw gwapo ako? Tss baliw talaga 'tong babaeng 'to.

"Wag mo ngang ibahin ang usapan." Naiinis na sabi ko sa kanya, bumuntong hininga naman siya at inirapan ako.

"Fine, pinalayas ako nang ina ko." Walang ganang sagot niyang sagot sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya.

"What?"

"Bingi kaba? Sabi ko pinalayas-"

"I know i know, i mean bakit ka naman niya papalayasin?" Tanong ko sa kanya, pero pinandilatan niya lang ako. Ah gets ko na baka dahil nalaman nitong buntis siya. "D-dahil ba jan?" Utal na tanong ko sa kanya habang tinuro ang tyan niya.

Harmoni Aubriella's POV

Hindi ko alam kung tanga ba oh ano itong si Isacc hindi naman ako papalayasin kung walang dahilan eh. Ang sarap talagang kaltukan ang makinis niyang noo, pag ako nainis mahahalikan ko to eh- este masasapak ko siya. Oo tama sasapakin ko ang makinis at maputi niyang mukha nakakainis kasi. Tinignan ko lang siya at tumango dahil alam kong naghihintay siya ng sagot. Sumeryoso na ako dahil alam ko namang hindi ako masaya bakit ko pa itatago?

"Narinig ni mommy ang paguusap natin kanina noong hinatid mo ako, galit na galit siya sa akin dahil nga buntis ako sa ibang lalaki." Nanlulumong pagkwento ko sa kanya. Tinignan niya lang ako kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, huminga muna ako ng malalim bago magsalita naiiyak na naman kasi ako tuwing naaalala ko ang pagtataboy ni mommy sa akin. "Dahil dun pinagtulakan niya akong lumayas sa sarili naming bahay, a-akala ko maiintindihan niya ako dahil ako ang anak niya, akala ko tatanggapin niya." Hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa mga sinabi ko naramdaman ko namang naupo siya sa tabi ko.

"Shhh tahan na, magiging ok din ang lahat siguro na bigla lang siya sa nangyari." Pagalo niya sa akin umayos ako at pinunasan ko ang mga luha ko.

"At alam mo kung anong mas masakit sa lahat? Sa mata niya ako yung nagloko sa aming dalawa ni Harold, ang sakit kasi ako yung anak niya hindi niya ako pinaniwalaan." Habang nagsasalita ako patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

Hanggang ngayon ang sakit pa din akala ko kasi maiintindihan niya ang kalagayan ko akala ko kasi paniniwalaan niya ako. Pero hanggang akala ko na lang pala lahat yun, ang sakit. Bakit ganito ang mga nangyayari sa akin? Bakit ngayong taon puro masasakit na pangyayari ang nagaganap sa buhay ko? Una yung pagiwan sa amin ni daddy na nagdulot ng ibang epekto kay mommy, pangalawa ang pagiwan sa akin ni Harold dahilan kung bakit ako nahihirapan, pangatlo ay ngayon ang hindi namin pagkakaintindihan ni mommy.

Hindi ko na tuloy alam kung ano ang maaari kong gawin para matapos 'tong problema ko. Nakakapagod na din kasi.

"Sinabi mo na ba ang totoo? Ang tungkol doon sa hiwalayan ninyo ng harold na yun?" Tanong niya sa akin, tumango ako sa kanya.

"Pero hindi niya ako pinaniwalaan mas nagalit pa siya sa akin, mas mahalaga pa sa kanya ang sasabihin ng ibang tao kesa sa nararamdaman ko." Sagot ko sa kanya, ngumiti ako habang tumutulo ang mga luha ko.

Hinarap niya naman ako sa kanya nasa ganon kaming posisyon ng biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bakit ko naman to nararamdaman? Bahala na nga.

"Wag kang ngumiti kung alam mong hindi mo kayang ngumiti." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Tumango na lang ako at umiwas sa mga titig niya baka kasi pagmatagal pa akong nakatitig sa kanya ay baka mahalikan ko siya.

Stranger's into Lover'sWhere stories live. Discover now