TWELVE

782 61 8
                                    

[ TW: Suicide, Mental Illness ]

CHAPTER TWELVE


"WHAT DID you say?" gulat na tanong ko kay Detective Choi.


He was standing right beside me.


"Bakit andito ka pa rin?" He asked back.


I rolled my eyes when he changed the topic.


"Eh, ikaw, bakit andito ka pa rin?" I asked him more.


Inismiran naman ako nito saka iniabot sa akin ang payong na hawak niya. Hindi ito sumagot kaya nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko.


Am I being nosy?


Hindi ko na rin sinubukan magsalita pa kaya naging tahimik lang kami pareho, hinihintay ang buong team. Bigla ko tuloy naalala 'yong sneaker na nakita ko kanina. Naisip ko tuloy kung napansin na ba nila Jaica na hindi nila ako kasama. Hinahanap kaya nila ako? O baka naging busy na rin sila at nag-enjoy?


Ilang oras na kaming naghihintay at hanggang ngayon ay wala pa rin sila, maggagabi na rin. Ang mas nakakainis pa ay ang pagiging tahimik ni Detective Choi. Talagang pinanindigan nito ang pananahimik. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong nagpakawala nang paghinga ng malalim. Dahil hindi ko na matiis ang ganitong lagay namin ay sinubukan ko ulit itong kausapin.


"Yah! Bakit hindi ka namamansin?" I asked with a sigh of irritation.


Tinignan lang ako nito at hindi na sinubukang magsalita pa.


"Fine! Let's not talk to each other then."


Hindi na ako nagdalawang isip at pinlano ko nang umalis. Maaga akong tatanda sa inis dahil sa kaniya. Nagtanong-tanong ako kung saan puwedeng sumakay at mabuti na lang ay natulungan ako.


Nang makakita ako ng taxi ay agad ko itong pinara. Pagsakay ko ay agad ko namang ipinaalam ang hotel na tinutuluyan namin. Isang matapang na amoy ng pabango ang bumabalot sa loob ng taxi. Hindi ko naman pinahalata ang pagka-disgusto ko sa amoy nito at pinanatiling tahimik ako.


Tahimik ang driver ng taxi kaya hindi rin ako nagsasalita. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang styro cup na may lamang Spicy Beondegi. Ipinagsawalang bahala ko 'yon saka itinuon ang pansin sa labas. Wala pa man kami sa kalahati ay naisipan nitong magpatugtog. At first, I thought it was random when he played a sad song. But, later on, every music he played was really a sad song.


Hindi ko pinansin 'yon saka itinuon ang atensyon sa ibang bagay. Naisipan kong gamitin ang cellphone ko at nagbabakasaling makatanggap ng ilang missed calls from the team, pero wala akong natanggap. Napailing na lang ako at hindi sinasadyang mapatingin sa I.D na nakapalumbitin sa likod ng rear-view mirror.


The driver looks old kaya naman nagtaka ako sa mga kanta nitong pinili kanina. He played updated and modern sad songs kaya napapa-isip ako. Palihim akong tumingin sa gawi nito at doon, nakita ng dalawang mata ko ang ibang taong nagmamaneho. He wasn't the guy who owns the I.D.

DETECTIVE MILLER (STAR GUARDIAN SERIES #1)Where stories live. Discover now