SIX

1.1K 75 15
                                    

[ TW: Violence, Blood & Bruatality ]


CHAPTER SIX


KAAGAD KONG ibinato sa kaniya ang tissue na galing sa shop. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa sinabi nito. Hindi ako sanay na ganito 'yung pananalita niya, hindi kaaya-ayang pakinggan para sa 'kin. Bahagya itong natawa at napakamot pa sa batok nito.


"Narealized mo ba agad na ang cringe?" I teased and he slowly nodded.


Napailing na lang ako rito saka inubos ang iniinom na kape. Hindi na rin naman ito nagtagal at nagpaalam na ito na mauuna na sa 'kin. Ilang minuto rin muna akong nagtagal do'n bago maisipang umalis na.


Magkakalahating oras na ako sa sasakyan ko dahil hindi umuusad ang mga sasakyan. Ilang beses na rin akong nakarinig ng busina't hinaing mula sa ibang nagmamaneho. Tinignan ko ang relo ko at nakitang may apatnapu't limang minuto na lang akong natitira bago tuluyang ma-late sa trabaho.


Napasapo ako sa noo ko at humingang malalim bago tuluyang lumabas mula sa sasakyan ko. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang kumpulan ng mga tao. Hindi ito gano'n kalayo sa puwesto ko kaya naman minabuti kong tignan ito. Nang tuluyan kong makita ito ay maliit akong napa-atras at hindi makapaniwala sa nakita ko. Muntik ko nang pagsisihan na tinignan ko ito. Agad akong nakaramdam ng awa para sa taong iyon at nagmadaling ipinaalam ito sa C.O.I. at S.M.P.S.


"Grabe, hindi na naawa ang taong gumawa nito. Tao pa ba sila?" Rinig kong kumento ng isang babae na sinang-ayunan naman ng iba.


Ipinakita ko sa biktima ang I.D ko at nagpakilala rito. Umiiyak ito habang ipinapakita sa 'kin ang kamay nito na walang mga daliri, nakatahi rin ang bibig nito.


Pinigilan ko ang sarili na magpakita ng lungkot at emosyon dito. Pilit ko ring tinatagan ang sarili saka ito pinakalma. Kung ilalarawan ang binatang lalaki ay nasa labingpito ang edad nito at nasa lima't pitong talampakan ang taas niya.


Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila Captain at ilang Officer ng S.M.P.S. Inayos na rin ang daan na nagsanhi ng traffic at pagtapos ay nagmadali kaming pumuntang hospital.


"Anong nangyari?" Bungad na tanong sa 'kin ni Detective Choi.


I explained everything about it. Maging siya ay nagtaka kung paano nakapunta sa lugar na 'yon ang biktima.


"I already checked the CCTV Footage and found nothing. Siya lang itong naglalakad papunta kung saan mo siya nakita. And it happened around 3:15 A.M" Anang kararating lang na si Jaica.


Kung siya lang ang nakarating sa lugar na iyon, posible kayang nakatakas ito sa salarin? Lahat kami ay namomroblema kung paano makakausap ang biktima gawa ng tahi sa bibig nito. Isinailalim naman na ito sa operasyon at naghihintay na lang kami ng resulta.


"I'll go somewhere else," paalam ko sa kanila. Tumango lamang ang mga ito kaya tuluyan na akong umalis.

DETECTIVE MILLER (STAR GUARDIAN SERIES #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ