SPECIAL SHORT CHAPTER

721 40 2
                                    

SPECIAL SHORT CHAPTER


"YOU'RE LATE," sambit ng isang nakatalikod na babae kay Jaica matapos marinig ang pagbukas ng pinto ng kanilang opisina.


"I'm sorry, Aubrey. I can't easily leave her side dahil mukhang nagdududa na siya sa akin," pagdadahilan ni Jaica rito.


"I don't get it, why do we have to hide this? If she belongs here, then tell her. Hindi lang siya ang mayroon tayo," mungkahi ng isang babaeng nagngangalang Uriel habang abala sa pagpupunas ng kaniyang pistol.


"Shut up, Uriel. Of course, we need her. She belongs to them. She is one of them," pagkontra naman ng isa pang babaeng si Gabriel at lumapit sa ibang mga kasama matapos nitong itabi ang kaniyang katana.


"Pati ba 'to ay pag-aawayan ninyo?" tanong ni Michael sa dalawa na agad naman nilang ikinatahamik.


Maliban kay Aubrey na pinaka-pinuno ng kanilang grupo, si Jaica at ang grupo ng pitong may kakaibang abilidad sa pakikipagalaban ay nagtipon para pag-usapan ang isang mahalagang anunsiyo.


"I called a meeting to discuss about what happened last night," paninimula ni Aubrey nang mapansing wala nang balak magsalita pa.


"Our team from Spacelab reported that their A.S.T. (Artificial Space Tracker) detected an unidentified individual landed on our planet. With a speed of 761.033 mph - 1225.985 km/h, they believed that this creature apparently belongs from another planet. Or we can say from the other world. Why? Clearly, because she landed without using any space transportation and with that speed, she's still alive."


"How the hell she's still alive?" hindi maiwasang sambitin ni Uriel.


"Was she an alien?" manghang tanong ni Raguel na animo'y batang sabik na makakita nito.


"And how come they know she's she?" Raphael asked in curiosity.


"That's a good point. They knew right away after someone reported about the damage she had left when she landed. Isang citizen mula sa New York ang nag-report tungkol dito kaya naman agad nila itong pinuntahan kahit na wala na ito roon. But with the help of the team from international, nahanap nila agad ito at ipinadala rito," paliwanag ni Aubrey sa kanila.


Aubrey reached a small remote and instantly push one of its buttons. Nilingon naman nila agad ang isang silid nang makita ang dahan-dahang pagbukas ng isang kurtinang humaharang sa salamin ng silid.


Ipinakita nito ang isang babaeng may naiibang suot mula sa kanila at kapansinpansin sa kaniyang katawan ang mga galos na natamo nito. Lumapit ang hindi kilalang babae sa salamin at pilit itong pinupukpok habang nagmamakaawang pakawalan ito. Bakas ang galit at takot sa kaniyang mangiyak-ngiyak na mata ngunit hindi iyon naging dahilan para pakawalan siya ni Aubrey. 


Bagama't palaisipan pa rin sa kanila kung paano ito nakaligtas matapos siyang bumagsak sa mundo ng mga tao, na kahit mga galos man lang ay wala itong natamo, hindi naman na sila nagtaka kung bakit parang hinang-hina ang bawat kilos nito. The room she was in can absorb power or abilities along with the body energy.


"Sinubukan na namin itong kausapin subalit wala ni isa itong maisagot," saad ni Aubrey habang pinagmamasdan ang nagpupumilit na hindi kilalang babae.


"Maybe because she doesn't understand our language," komento ni Barachiel saka sumimsim sa kaniyang iniinom na wine.


"Or maybe because she was too scared," mungkahi ni Seraphiel saka lumapit dito.


Marahan nitong hinawakan ang salaming nakaharang sa hindi kilalang babae habang pinagmamasdan ito.


"Aubrey, how can I communicate with her?" malumanay na tanong ni Seraphiel habang hindi inaalis ang kaniyang paningin sa kanilang bihag.


Natigilan naman sa paghampas ng salamin ang hindi kilalang babae nang lapitan ito ni Seraphiel. Humarap ito rito saka nagmamakaawa ang kaniyang mata habang nakikipag palitan ito ng tingin sa kaniya.


"Just push the blue button on your right then she can hear you. And we can hear her," tugon ni Aubrey na agad nitong sinunod.


"Hi," bati ni Seraphiel dito.


Lahat ay pinagmamasdan ang bawat galaw ni Seraphiel at ng kanilang bihag. Walang sinuman ang gustong magsalita at pumutol sa ginagawa ng kanilang kasamahan.


"Do you understand me? I am here to help you. Can you nod if you understand it?" Seraphiel requested in her gentle voice.


Lahat ay hindi inaalis ang tingin sa dalawa at masuring pinanonood at hinihintay ang sunod na gagawin nila.


"Oh, Jesus Christ!" Raphael whispered to himself and covered his mouth as they witnessed how the unknown lady nodded cautiously.


"Okay then, can you tell me who you are?" muling pakiusap ni Seraphiel dito.


"I...I am Naida from Aaru Chorió of Coelum Realm."

DETECTIVE MILLER (STAR GUARDIAN SERIES #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt