TEN

937 71 25
                                    

CHAPTER TEN


"HI," parang tangang bati ko sa kaniya.


He's the oldest guy from the suspects. Like what the description says, he's wearing an eyeglass and I can sense danger in him.


"So, you're the officer who's been looking for them? Kayo rin ba ang may hawak kay Dra.?" He asked and grinned.


Hindi ko iyon sinagot kaya naman hinatak nito ang buhok ko na agad ko rin namang binawi.


"Don't you dare touch my hair!" I shouted.


Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para sana marinig iyon ni Yonna. Malakas naman ako nitong sinampal gawa nang pagsigaw ko at muling itinutok sa akin ang baril.


"Ikaw pa ang may ganang mag-utos sa 'kin, ah!" He snapped.


Huminga akong malalim nang i-utos nitong ibaba ko si Joseph. Wala naman akong nagawa kaya sinunod ko ito, pagtapos ay itinaas ko ang dalawang kamay ko.


Ngayon ay nasa likuran ko ito. Nakasunod sa akin habang nakatutok ang baril sa likuran ng ulo ko. Nagkunwari akong sinusunod ito habang lumalabas ng building. And when we reached the outside, I turned around as fast as I can and was trying to hold his hands but I missed, nakailag lang ito at mabilis na lumayo sa 'kin habang mabilis na tinutok ang baril nito direksyon ko. And to my surprise, Nathaniel, the other suspect is now at my back.


"You choose. Your life, or his life?" Roddie questioned.


Hawak ngayon ni Nathaniel si Joseph at may nakatutok na kutsilyo sa leeg nito. Didn't know that they're also fast. Inabot ni Nathaniel ang nakapulupot sa balikat nito na steel chain kay Roddie.


Maloko itong ngumiti sa akin habang ipinapakita ang steel chain. Wala naman akong nagawa dahil hawak nila si Joseph. Ibinigay ko ang dalawang kamay ko at ipinulupot niya ang steel chain doon. Kinandaduhan niya ito saka hinila ako bago muling naglakad.


"Come on, Officer. Don't you dare do stupid things that can cause trouble in them. Baka hindi mo magustuhan ang kalalabasan ng pagmamatigas mo." He warned.


Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito, dahil kung tutuusin ay wala akong laban. Bigla ko tuloy naisip kung asan na si Yonna. Iniwan niya kaya ako?


"I didn't expect you to know our place. You really are a good detective, but you're late. Sa tingin n'yo ba'y hindi ko malalaman na hawak n'yo si Dra.? You got my present, don't you? Nagustuhan n'yo ba?" He teased, enjoying the situation.


"Do you feel happiness every time you kill someone? They're still young, Mr. Kim." I made him known, which is obviously he knows.


Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. Nakalayo na kami sa lugar na 'yon at ngayon naman ay hindi ko alam kung saan kami papunta.

DETECTIVE MILLER (STAR GUARDIAN SERIES #1)Where stories live. Discover now