FOUR

1K 74 6
                                    

[ TW: Blood, Threats ]

CHAPTER FOUR


✈️┊Daegu International Airport

"YOUR friend stole it," I shouted at them and ran right away. At first they were confused and obviously doubting what I said, but later I found them running with me.


Habol-habol namin ang kaibigan ni Jaica na ngayon ay palabas na ng airport. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit paminsan-minsa'y nadudulas ako gawa ng sapatos ko. Malay ko bang mapapaaga ang track and field sa trabaho ko. Hindi pa nga kami nakakalabas ng airport, may hinahabol na naman kami.


"Magnanakaw ang lalaking 'yan, harangan n'yo!"


Ikinagulat ng karamihan ang pagsigaw ko, lalo na ang mga guard na nakabantay sa exit. Maging ang kaibigan ni Jaica ay napahinto sandali na agad ding tumakbo nang mapagtantong siya ang tinutukoy ko.


Mabuti na lang ay naagaw ko ang pansin niya at mabuti na rin na bumalik agad sa pagkakaalarma ang guwardiya. Agad na humarang ang guard gayundin ang ibang tao.


"You, son of Laverna goddess of thieves! How dare you?" I accused him and spun him around to wrangle his hands. I heard him grumble, but it was too late for him to fight.


Nakarating din naman ang team na hinihingal. Maging ako ay napagod kakatakbo. Lahat kami ay napatingin sa nabitawan nitong pitakang pambabae mula sa kamay niya. Gaya ng hinala ko, ayon nga ang wallet ni Jaica.


"Kristoff, why?" her tone conveyed obvious sadness and disappointment as she asked her friend.


Hindi naman sumagot ang lalaki at kinuha naman agad ni Detective Choi ang wallet ni Jaica rito. Bigla tuloy akong naawa sa kaniya. Mukha pa namang masayang-masaya ito sa pagkikita nila tapos nanakawan lang pala.


People nowadays.


"Kami nang bahala sa kaniya, Ma'am. Salamat!" wika ng isang guard at tumango naman ako.


Naglakad naman kami palabas habang habol-habol pa rin ang paghinga. Hinihintay naman ang bus na binook namin bago magpunta rito. Inaaliw naman ni Vincent si Jaica na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari. Si Detective Lee na abala sa cellphone nito at si Detective Choi... na ngayon ay nakatingin na naman sa akin.


"What?" naiilang na tanong ko rito.


"It was your alibi, was it? Borrowing money from her." He guessed, crossing his arms as he squinted on me.


I gave him a lopsided grin.


"Ano naman ngayon?" pagtataray ko rito, taas ang noong sinuklian ang tingin nito.


"How did you find out it was her friend?" he inquired. 


DETECTIVE MILLER (STAR GUARDIAN SERIES #1)Where stories live. Discover now