Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"And you just cursed."



"Nagugutom nga ako!" Nagpapadyak pa si Luna.



"Buti na nga lang hindi 'Lucas' ang ipinangalan natin."



"What do you want?!" Mapang-asar na tinapatan ni Warren ang taas ng boses ng nakababatang kapatid.



"We can still make a 'Lucas'."



"Ice cream!" taas noong sagot ni Luna na para bang hindi siya humihingi ng pabor.



"What the--"



"Tsk." Naiiling na lamang na ngumiti si Warren saka tumayo. "Tara."



*****



"Language, Yuan. My children might hear you."



Sabay na napalingon ang mag-asawa noong bumukas ang main door at pumasok ang kanilang mga anak.



Nawala ang lahat ng negatibong bagay sa sistema ni Yuan at tila hinaplos ang kanyang puso noong makitang hawak ni Warren ang kamay ni Luna.



"We're eating ice cream!" masayang anunsyo ng batang lalaki na itinaas pa ang kanyang mga kamay, kasama na ang kamay ni Luna na hawak niya.



Napangiti si Yuan habang pinapanood ang kanyang mga anak na maglakad patungo sa kusina. Ganoong ganoon silang dalawa ng sarili niyang Kuya Wawie noong mga bata pa sila. Ang pinagkaiba lamang, kahit na pilyo at masiyahin ay may malamig na mga mata ang batang Warren ngayon.



Ibinalik ni Yuan ang tingin sa orihinal na version ng malalamig na mga mata. "Ice cream?"



"You were just annoyed at me a while ago, Luanne Ignacio-Gomez," naniningkit ang mga matang sabi ni Lucas.



"I want ice cream, Lucas Gomez," matigas na sabi lamang ni Yuan.



Bumuntong hininga si Lucas at tumayo. Nang makaharap ang kanyang asawa ay mabilis niya itong hinalikan sa noo. "I'll never get tired of those tantrums."



"Tantrums?!" hindi makapaniwalang tanong ni Yuan.



"Ice cream," sabi na lamang ni Lucas saka inakbayan ang kanyang asawa at iginiya patungo sa kusina.



Napangiti ang mag-asawa noong madatnang nakaupo sa ibabaw ng lamesa ang dalawang bata at kumakain ng ice cream mula sa mismong tub.



"It really does get better, huh?" nakangiting sabi ni Yuan. Naramdaman niyang pinisil ni Lucas ang balikat niya gamit ang kamay nitong nakaakbay pa rin sa kanya.



"Everything's better with you," bulong pa
ni Lucas.



"Daddy! Mommy! Ice cream!" ngiting ngiting sabi ni Luna na iniaabot pa ang kanyang kutsara sa direksyon ng kanyang mga magulang.



Agad na lumapit si Yuan at pinahiran ang nagkalat na ice cream sa mukha ng kanyang anak.



"Daddy!" tawag naman ni Warren kay Lucas habang itinataas ang isang kutsarang may lamang chocolate ice cream.



Walang pagaalinlangang kinain ni Lucas ang ice cream noong itinapat ng panganay na anak ang kutsara sa kanyang bibig. Hindi niya pa iyon nalulunok noong muli itong nagsalita.



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon