Halos mahugot ko ang sariling hininga nang halikan niya ang leeg ko.

Pero hindi na ako tanga para magpauto pa sa mga bulaklakin niyang salita.

Humakbang ako ng ilang beses bago gawin ang atake. I immediately raised my sword at itinutok iyon sa leeg niya.

"Stop hitting on me, Froze," banta ko sa kaniya.

Pero tinawanan niya lang ako. Hinaplos niya pa ang hawak na espada habang natatawang nakatingin sa akin.

"You really think you can scare me with that, Arrow?" Kahit hindi ko kayang mapantayan ang lakas niya, wala na akong pake.

He broke my heart once, I'll never let him do that again.

Nagulantang ako nang mabilis niyang hampasin ang espadang hawak ko dahilan para malaglag iyon sa sahig.

He's really strong! I made sure that I put a lot of strength holding that sword.

Ngunit hindi ako magpapatalo sa isang manlolokong kagaya niya.

Mabilis kong ikinilos ang paa para sipain siya, pero nasalag niya iyon, kaya umikot ako sa ere at pinuntirya ang ulo niya.

Maingat siyang yumuko para mailagan ang atake ko. Nang mapalapag ako sa sahig ay mabilis kong inabot ang espada at inatake siya.

Kahit mabilis ang bawat galaw at wasiwas ko, he perfectly dodge all of it like he's just playing with me.

Nakatingin pa siya nang diretsyo sa mga mata ko na nakapagpainis sa akin.

"I really want to win over you, Froze! Bakit ba laging ikaw ang nananalo?!" galit na sigaw ko.

Saglit siyang natigilan sa sigaw ko. 'Yon ang kinuha kong pagkakataon para sipain siya sa dibdib.

Napaatras siya nang bahagya kaya sinimulan ko ulit ang pag-atake. Nakakailag siya sa ilang atake ko, pero nasusugatan siya ng iba.

Nahalata ko agad na humina ang depensa niya base na rin sa galaw ng katawan niya.

What? Is he doing this in purpose?

Agad akong tumigil nang mapansing may ilang punit na ang damit niya. Nagdudugo na rin ng ibang parte ng katawan niya na natamaan ko.

Alam kong nagbalik na ako bilang si Arrow Vlood, pero hindi ko talaga makokontrol ang puso ko.

Naiiyak na nilingon ko siya pero nakatingin lang siya nang diretsyo sa akin.

"Bakit ba hindi mo inilagan?!" magkahalong inis at awa na tanong ko.

He shook his head without expression. "You said you wanted to win, if it will make you happy, I shall give up, right?"

Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya.

Pabalang kong hinagis ang espadang hawak sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"You said you're stronger than me. Kaya bakit ka nagpatalo?!" dagdag ko.

Naiiling na sinuklay niya ang sariling buhok gamit ang mga daliri. He chuckled dangerously as he walk towards me.

"I am strong, Arrow. But seeing my weakness and strength infront me, being helpless, it makes me want to embrace my own defeat. If you're the very reason of my defeat, bakit hindi pa ako magpapatalo?"

Isa siyang malaking tarantado para patibokin nang mabilis ang puso ko.

He hurt you, Arrow, kaya bakit ka nagpapadala sa kaniya?!

Saglit akong natahimik habang matiim na nakatingin sa kaniya. Those words, I used to believe him. But now? Gusto ko nang masuka.

Walang ekspresyong nginisian ko siya.

"Save your lines for tomorrow, baka sakaling kumagat pa ako bukas. Subukan ko ring pakagatin ang iba pang babae dito sa palasyo, Froze, gwapo ka naman, madali mo silang makukuha." Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad papalayo.

Pero natigil din ako sa paglalakad nang maramdaman ang presensya niya sa likod ko.

I stiffened when he embrace me from the back.

"Just wait a little longer, Arrow, we'll fix everything soon."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang