Tama nga ang pagkakaintindi ko. Ako ang unang babaeng minahal niya at hindi si Lei.


"ANG sarap ng pagkain, grabe." Saka pa napahawak si Iro sa tyan niya.

Nag-aya kasi si Iro at Aljin na kumain muna bago bumalik sa hotel suites nila.

"Butad ka na, gago!" Pang-aasar naman ni Aljin sa kanya.

"Kupal! Si Royze nga iniwan ng syota inasar ko ba?" Paborito ng dalawa na 'yan na pagkaisahan si Royze.

Ngumiti lang naman ang huli sa kanila na animo wala nalang sa kanya ang pinagsasasabi ng mga ito.

"Wow 'tol, hindi rumebat si Royze! Naka moved on na yata," pang aasar namang muli ni Aljin.

"I did," lahat kami ay napatingin sa kanya sa isinagot niyang iyon, maging si Nigel na hindi pa tapos kumain. Nasaksihan naming lahat gaano siya nabaliw sa ex girlfriend niyang si Aira.

"W--Weh?" Alanganin ang tawang iyon ni Iro dahil seryoso ang pagkakasagot ni Royze sa kanila.

"I'm inlove with somone else now," saka ito biglang lumingon sa akin.

Sinagot ko din naman ang ginawa niyang pagtitig. I knew it, sinasadya niyang gawin ang mga ito. I can read him, he's not inlove with me, he's playing with me. I think he knows about how Nigel feels for me.

"Gago 'tol, huwag mong sabihin inlove ka kay Aeickel!? Mukha lang may feminine side 'yan pero lalaki---"

Natigil ang dapat sasabihin ni Iro sa pagkakabagsak ng kubyertos ni Nigel. "Naiwan ko ang wallet ko sa sasakyan."

"Ako nalang magbabayad 'tol--"

"Don't bother. Aeickel, kindly get it." Putol niya kay Aljin saka hinagis sa akin ang susi.

Lumisan ako sa mesa nila, ngunit nakita ko ang pagngisi ni Royze na animo nagtagumpay siya sa naging plano niya.

Tumungo ako sa kotse at kinuha ang wallet niya ngunit pagharap ko ay narito na din siya sa tabi ko.

"Stop that attitude of yours," kalmado ngunit may pagbabanta niyang wika sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

"What attitude?" Sagot ko naman sa kanya saka isinara ang pinto ng sasakyan.

"Staring," sagot naman niya sa akin.

"It is part of my personality. Hindi ko maiaalis sa akin iyon," depensa ko naman sa kanya.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Where stories live. Discover now