CHAPTER 35

244 13 0
                                    

SOMEONE'S POV

[Empress. Hindi na ako makakapasok sa GZA. Inexpelled na ako ni Glaiza.]

“Gumawa ka ng paraan. Alam kong marami kang kakilala diyan. Bayaran mo, or pangakuan mo ng kung ano-ano. Basta ang importante maisagawa ang napag-usapan. Is that clear?”

[Yes, Empress.]

It's payback time  my dear. Malapit ng magsimula ang kinakatakutan niyong lahat.

___

GLAIZA'S POV

Isang linggo na simula ng sinagot namin ang Emperor—X, pero kahit naging kami na ay hindi namin nalimutan kung sino kami at ano ang katungkulan namin.

Alam naming lahat na malapit na ang kinakatakutan namin. Kaya kailangan na naming maghanda at mag-ingat lalo pa't may hindi magandang nangyari sakin kanina sa parking lot.

NAKARATING ako sa school at  kanina ko pa alam na may sumusunod sa'kin pero hayaan lang natin.

Pagkababa ko ng sasakyan, hindi na ako nagulat nang mahagip na wala ni isang gwardiya ang naroon. Geez, this is too much. Pero sige, hayaan natin.

Nakaramdam ako ng presensiya sa paligid. Alam kong may ibang narito maliban sa akin.

Ilang sandali pa ay may narinig akong tumunog sa katabi kong sasakyan. It's ticking... like a bomb. Oh, don't tell me their is one in here.

Nilapitan ko ang sasakyan at sinundan ang tunog na iyon. And, galing sa ilalim ng kotse.

Kaagad akong sumalampak sa sahig ng parking lot and as expected, may nakita akong box na may timer sa itaas.

5 seconds nalang ang natitira sa timer pero hindi ako nakaramdam ng pagkahabag. Sa isip ko ay Napasiring nalang ako, ako pa talaga ang pinadalhan nila ng ganito? Really, ako na sa isang tingin palang ay maa-identify ko kaagad kung anong klaseng bomba 'tong kaharap ko.

But then, I feigned my actions. Natataranta naman daw ako, kunwari hindi alam ang gagawin.

Ilang sandali pa ay tumunog ang bomba na para bang tinapos na ang takdang oras na ibinigay.  At kasabay ng pagtatapos ay biglang sumabog ang box at isang... jester doll ang lumabas.

“Bilang na ang mga araw mo Empress.” sabay hagikhik. Tatlong beses iyong inulit ng manika bago ko siya batuhin ng dagger na nasa buhok ko.

Tinawagan ko si Princess, “Magset ka ng meeting ngayon din. Papunta na ako diyan. Siguradohin mong nandiyan ang taga Palace at Elites, dahil sobrang mahalaga ito.”

Napabuntong-hininga ako, mukhang mag-uumpisa na. At hindi na talaga ito mapipigilan pa.

Kumatok ako sa silid namin at wala pang isang segundo ay sumagot si Ma'am kaya pumasok na 'ko.

“Miss Glaiza” she bowed at mr.

Hindi ko na pinansin 'yon at nagtungo kaagad ang paningin ko sa mismong aking sadya.

“I'll excuse Mister Lexxon, Mister Carson, Mister Addison, Mister Parker, and Mister Nixon. As well as Miss Russell, Miss Montreal, Miss Ildefonso, and where's Ms. De Vera?” nakakunot ang noo ko nang bumaling sa aming teacher.

“Hindi pa ho siya dumarating Miss Glaiza.”

Napakuyom bigla ang mga kamay ko, Masama ang kutob ko rito.

“Tell her na sumunod pag dumating siya.”

“Yes, Miss.”

“Lahat ng binanggit ko...” binalingan ko silang pito ng tingin. “...Follow me.”

___

FARAH'S POV

Ano kayang meron at bakit inexcuse niya kami. Seryusong siya kaya mukhang may masamang magaganap.

Nagsipagtayuan naman kami kaagad at sumunod sa kaniya. Hinawakan naman ni Xian ang kamay ko, nang magkasabay kami sa pintuan. Oh, no. Not right now, please. Mapapagalitan kami ni Glaiza nito eh.

___

EMPRESS HELL'S POV

Dito kami dinala ni Empress sa council nang umalis kami sa school kanina.

Mukhang may pagpupulong na magaganap dahil kompleto ang kasapi ng council.

“Ipinatawag ko kayong lahat dito dahil may masamang nangyari sa'kin kanina. At tiyak ako na may kaugnayan ito sa mga maaaring mangyari sa atin sa hinaharap.” malalim siyang napabuntong-hininga, “Mukhang magaganap na ang matagal na nating kinakatakutan.”

“Wat bedoelt u, Empress?” What do you mean, Empress?. Naguguluhang tanong ni Princess. I can understand dutch dahil sinanay kami ni Glaiza roon.

Tiningnan niya naman kami sa aming mga mata, isa-isa.

“Gang War.” malamig niyang tugon. “And I know, na hindi na natin 'to mapipigilan pa.”

“Tama ang, Empress.” Napatingin kaming lahat sa nagsalitang 'yon. Si Giselle na kadarating lang.

“Mukhang mangyayari na nga ang matagal na nating kinakatakutan.”

___

GISELLE'S POV

“Bakit ngayon kalang?” rinig kong bulong ni Xander pero di ko muna siya pinansin. Lalo pa't seryusong usapan 'to.

“Kaya nahuli ako dahil kagaya ni Aika ay may nangyari ding hindi maganda sa'kin Kanina.”panimula ko.

“Ilang sandali na akong nasa gate ng paaralan pero wala pa ring nagbubukas sa akin at wala ring mga guwardiya. Ang akala ko ay ipinatawag sila ni Glaiza, ngunit pagkababa ko ng sasakyan ay may humaharurot na sasakyan na papunta rin sa gate ng GZA. Ang akala ko ay sasagasaan nila ako ngunit may inihagis lamang silang box sa harapan ko at agad naman silang umalis. Nang binuksan ko iyon ay nakita ko ang itim na pusa sa loob nito, duguan. May nakadikit na note sa gilid ng box na nagsasabing, ‘Malapit na ang katapusan ninyong lahat.’ And siguro, you already figured out kung saan nanggaling ang mga threats na 'yon.” Mahabang paliwanag ko at natahimik naman sila.

Bigla namang napabuntong-hininga si Athena kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. “Honestly, me neither. Nakaranas na ng ganyan pero hindi sa personal kung hindi through computers. Hindi ko alam kung pano nila nahack ang personal computer ko ng hindi ko nalaman. Pero ganun din ng nilalaman ng nasa inyo.”

Mas natahimik kami sa sinabi ni Athena. Nang walang anu-ano'y binasag ni Aika ang katahimikan.

“Kung 'ganon mag-umpisa na kayong magsanay at ihanda niyo na ang inyong mga sarili para sa darating na Gang War dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari.”

___

THE MYSTERIOUS NERDWhere stories live. Discover now