CHAPTER NINE

383 16 0
                                    

ATHENA'S POV

Nakita naming sabay na tumalon sa kabilang bahagi ng kotse ang dalawa, at sa gitna pa mismo dumaan.

“WoahHhhhhh! Parang gangsters din sila.” bulong ni Farah.

“Parang si Glaiza ang nakita ko kay Aika kanina.” bulong din ni Giselle.

“Tama nga ako, hindi nga sila nerd lang.” balik na bulong ni Loraine.

Nakita ko ang flexibility ng mga katawan nila ng ginawa nila yon, at ni hindi man lang sila kinakitaan ng takot. At para bang sanay na sanay na silang ginagawa yon.

Nakita ko silang lumapag ng matiwasay sa lupa at kasabay non ang biglang pagsabog ng kotse.

‘Shit! Pano niya nalamang may bomba ang kotse niya?’

Tiningnan ko ang direksiyon kung saan lumapag kanina sina Aika at Coreen, pero wala na silang kahit anumang bakas doon.

Nakita ko namang may lumabas na dalawang lalaki mula sa kanan namin, at pawang nakangisi.

Lumapit sila sa pinagsabugan ng sasakyan.

Pero hindi ko akalaing may maririnig akong ganun.

“Success. Kailangan na nating ibalita ito kay Ma'am Glaiza.” sabi ng isang lalaki at saka umalis.

Nagkatinginan naman kaming apat sa narinig.

S-Si Glaiza? Si Glaiza ba na kaibigan namin ang tinutukoy niya?

___

LORAINE'S POV

Hindi sila ordinaryong nerd lang, yun ang nakumpirma namin.

At, Si Glaiza? Siya ang narinig ko dun sa lalaki kanina.

Pero hindi ko alam kung ang Glaiza na tinutukoy niya, at ang Glaiza din na kaibigan at kasama namin.

Kung siya nga, I can say na magkakilala nga sila.

Pero paano?

At sino ba talaga kayo, Aika? Coreen?

Saan kayo nagmula, at bakit kahit saan kami maghanap ay wala kaming makalap na impormasyon tungkol sa inyo.

___

AIKA'S POV

“Good Job, Coreen!”

“This can be use against her.” ani niya.

Napailing ako.

“Not now. May tamang panahon para diyan.” sabi ko at saka nginitian siya.

___

FARAH'S POV

“Alam kong narinig nila ang sinabi ng lalaki pero bakit pinatakas nila?” tanong ni Athena na hanggang ngayon ay di parin makapaniwala sa narinig.

“Calm down Athena, I know they have reasons. And besides, kahit tayo nga hindi alam, kung ang Glaiza ba na tinutukoy ng lalaking yun ay ang Glaiza na kaibigan natin.” sabat naman ni Loraine.

“Loraine's right kaya manahimik nalang tayo. Alam kong alam nila na sinundan natin sila kanina, pero hinayaan lang nila tayo.” ani ko at napabuntong-hininga.

“...At wala kayong pagsasabihan nito kahit kay Glaiza. Dahil hindi tayo nakakatiyak sa kaniya, lalo na ngayon, at narinig natin ang pangalan niya kanina sa lalaki. Tho, hindi natin alam kung siya ba ang may pakana niyon, pero kailangan na nating mag-ingat sa kaniya.” dagdag ko pa.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon