CHAPTER 23

334 16 0
                                    

XOCHITL'S POV

*KRINGGGGGGGGGGGGG

Tunog ng alarm clock sa bedside table ko.

Pinatay ko na lamang ito at agad na bumangon.

6AM na, pero hindi pa rin ako  nakakaramdam ng kahit na anong antok. Pangilang araw ko na ito, simula ng mangyari ang laban namin sa Underground ng babaeng may pamilyar na mata sa akin.

*FLASHBACK*

Bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. At Tahimik pa rin ang buong Underground.

Ilang sandali pa ay may nagsilabasang limang babaeng kagaya ng nakalaban ko kanina.

Humilera sila sa harapan ng lahat at lumabas sa gitna ang Emperor.

Nagsipagtayuan naman ang lahat at yumuko, pati na rin ako.

“Ito ang magiging panghuling pagsubok mo, Dark Emerald of Emperor—X. Huhulaan mo kung sino sa kanilang lima ang nakalaban mo at ang tunay kong anak. Kapag naipasa mo ang pagsubok na ito ay tatanghalin ka bilang susunod kong tagapagmana, at opisyal na magiging kabiyak ng susunod na Empress.” ani ng Emperor.

Nagulat naman ako sa sinabi niya pero di ako nagpahalata.

Kaya pala. Yun pala ang dahilan kung bakit hindi namatay ang ilaw kanina habang naglalaban kaming dalawa, senyales na pala iyon para makita ko ang mga galaw at taktika niya.

‘Bullshit! Hindi ko man lang nahulaan na ito pala ang magiging pagsubok ko. Ang akala ko ay madaling pakikipaglaban lang kagaya ng nauna, yun pala ay...’

Napaisip ako, may isang paraan pa.

Ang mga mata niya.

‘Ang mga mata niyang purong kulay ng abo.’

Muling nagsalita ang Emperor.

“Bibigyan kita ng isang linggo para makapili, kung sino sa kanila ang totoong Empress. Kaya't pagmasdan mo silang mabuti, dahil ikaw ang mas higit na nakakakilala sa ‘kaniya’.”

*END OF FLASHBACK*

Damn it! Sino kaya sa kanila ang nakalaban ko?

At sino sa kanila ang tunay na Empress?

___

AIKA'S POV

Araw ng Lunes.

At dahil tapos na ang Intramurals ay bumalik na naman ako sa dati.

Nerd na kinukutya, pinagtitripan, at hindi katanggap tanggap sa paningin ng lahat.

Papasok na sana ako sa classroom, nang maramdaman kong may hindi na naman magandang mangyayari.

‘Malapit na talaga akong mapikon sa mga pinaggagawa niyo.’

Bumuntong-hininga nalang ako at saka naghintay na may maunang makapasok sa room, dahil ayaw kong mapatulan sila, lalo na ngayon na mainit ang ulo ko.

Ilang sandali pa ay natapos na ang paghihintay ko.

Pumasok ang kanang kamay ni Aziria, si Jayleen, na pumatid kay Coreen nung first day niya dito.

At tama nga ako dahil pagbukas niya ng pintuan ay may papalapit ng baso sa kaniya at pilit siyang umiwas dito, pero hindi pa rin siya nakaligtas at nabasag pa rin ang baso sa mismong ulo niya.

‘Tss. Sinasabi ko na nga ba.’

Pumasok na lang ako at malamig lang silang tiningnan.

THE MYSTERIOUS NERDWhere stories live. Discover now