CHAPTER 32

253 11 0
                                    

AIKA'S POV

Natahimik silang lahat nang magsalita ako.

"Aikaterine Aneesha 'Quietus' Lane." Now, the floor is mine.

Yes, I am the real Empress at plano ko ang lahat ng 'to para malaman ko kung sino ang totoong kalaban. And mukhang alam ko na ngayon kung sino.

TINAWAGAN ako ni Princess para sabihang mag-ingat ako dahil may naghihintay saking kapahamakan sa labas.

But, I already knew this from the very start. At kailangan kung gawin 'to para mapatunayan ko kung tama ang hinala ko na siya ang bagong namumuno dito.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar iyon. Saka lamang umalis ang nagmamatyag sa akin.

'Alam kong pupunta na siya 'don.'

Binaybay ko na ang daan kung saan sila nagbabantay. Nakita ko na sila malayo palang ako pero hindi ako nagpahalata.

Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga lalaking nagkukubli sa damuhan kasama ang isang pamilyar na babae.

"Long time no see, Aika." sabi niya pa.

Nagkunwari akong naguguluhan sa mga nangyayari. At ilang sandali pa ay dinakip na ako ng kasama niyang tauhan.

"Walanghiya ka, Aziria! Pagsisisihan mo ang ginawa mong to."

Right. Si Aziria ang tinutukoy kong kaklase namin na nagmamanman sa'kin.

"Hah! Kung akala mo ay nakalimutan ko na ang lahat ng pagpapahiya mo sa'kin? Pwes, hindi! Simula ng dumating ka nawala na sa'kin ang lahat! Bumalik kapa kasi eh, kung hinayaan mo na lang sana ang Ate mo edi sana wala ka dito ngayon. Kaya sige na dalhin niyo na ang isang 'yan ng madala na natin kay Empress. Paniguradong naghihintay na 'yon."

Akmang tatakbo ako nang batukan ako ng isang kasama niya.

Nagkunwari naman akong nawalan ng malay kaya madali nila akong napasakay sa Van na dala nila. Iginapos nila ang kamay ko at ramdam ko ang higpit niyon.

I know exactly what to do in order for them to be knocked out pero hindi ko muna gagawinhanggat wala akong nalalamang impormasyon sa kanila.

"Hello, Empress? Yes, papunta na kami diyan." rinig kong sabi ni Aziria. Sayang at hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

"Yes, Empress. Masusunod."

Nagpatuloy ako sa pagkukunwari hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang guard house.

Mabuti at hindi nila piniringan ang mata ko kaya kitang-kita ko ang dinadaanan namin. Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Pero hindi pa sapat ito para mapatunayan kong siya nga ang kalaban namin.

Ilang sandali pa ay humintong muli ang Van na kinalulunanan ko. Nagkunwari parin akong walang malay kaya binuhat ako ng kasama ni Aziria na parang sako.

Sakto namang nasa hulihan kami kaya napagmamasdan ko ang paligid kahit na pabaliktad.

At nagulat ako nang mapagmasdan ang pamilyar na bahay na papasukan namin.

It's confirmed. Siya nga ang kalaban namin.

Ipinasok nila ako sa isang silid at iginapos ang paa ko, binusalan ang baba at piniringan ang mga mata.

Ilang minuto pa ay may naramdaman akong pumasok.

Apat na pares ng paa, huh? Mukhang alam ko na kung sino sila.

"Hayan siya, Dark Empress." sambit ng pamilyar na tinig. Alam kong itinuro niya ako.

Nakatanggap naman ako ng sampal at kunwaring nagising ako.

Kinuha naman nila ang piring sa mata ko at tama nga ako, sila nga ang pumasok.

Nagkunwari akong nagulat namg makita silang dalawa.

"P-Paano mong nagawa ito? At bakit sa amin pang kadugo mo?" umiiyak na sabi ko na pinilit pang lumabas ang luha ko para maging makatotohanan naman ang pag-arte ko. While I'm faking my actions on the front, palihim ko namang kinakalikot ang tali sa likod ko.

"Hou je mond!” Shut up!. Patuloy ako ‘kunong’ lumuha. “...Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo, my dear niece."

Tumingin siya sa isang tauhan nila at may ibinigay itong inumin. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang inumin na ipinainom sa akin nang sa Canada noon.

Pilit na ipinainom nila 'yon sa akin at ininom ko naman pero di ko nilunok 'no. Ano ako, bobo?

Nagkunwari na naman akong nawalan ng malay ulit.

"Ilang oras lang ay eepekto na 'yan. Siguraduhin niyong hindi makakatakas." rinig kong sabi niya.

"Let's go Princess." 'yon ang huling sabi niya at narinig kong bumukas ang pintuan saka muling sumara.

Mukhang umalis na sila.

Agad akong tumayo ng makarinig ako ng papalayong sasakyan.

Nagulat naman silang lahat at hindi kaagad nakagalaw pero bago pa sila makagawa ng galaw ay pinagsisipa ko na sila sa vital points nila para makatulog.

Ilang minuto pa ay tulog na silang lahat. Pumunta ako ng system room at binura ang footages na kita ako.

Tinawagan ko naman si Princess at sinabing maghanda na sila dahil paparating na ako. Nakahinga naman siya ng maluwag.

Gayundin ang mga kagrupo ko at si Xevi (Demon Prince). Tinulungan niya akong malaman kung tama ang hinala kong kasamahan nila si Aziria and as expected, I am damn right.

Dali dali na akong lumabas ng computer room at pumunta sa garahe, dumaan ako sa mga walang CCTV . Kabisado ko ang bahay na ito, kaya alam ko kung saan wala at merong CCTV. Of course, I should know, this is our house after all.

Kumuha ako ng motorsiklo at agad na pinaandar ito.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa council at saktong kakasimula lang dahil nagbibigay na ng mensahe ang aking ama.

Hanggang sa mag-umpisa ng magpakilala ang Elites. Huling nagpakilala si Dark Emerald sa kanila.

Nagulat naman siya ng makita kung sino ito. How ridiculous, hindi mo kilala ang mapapangasawa mo? You're indeed unbelievable.

Sunod na nagpakilala ang grupo ko.

Hanggang sa Matapos si Empress Phenom.

Tumayo naman ang Empress. At pumagitna sa grupo ko.

Pasimpleng pinindot ni Plash ang sa gilid niya at tumunog ang relong suot ko na invention niya rin, tanging kaming mga kagrupo niya lang ang mayroon nito.

I smirked, “I guess, it's time. It's showtime, then.” I whispered sexily while grinning from ear to ear.

Namatay ang lahat ng ilaw at iyon ang hudya para lumabas na ako.

"P-PAANONG..."

"Kumusta Dark Princess? Mukhang mag-isa ka lang yata?" bulong ko nang makalapit sa kaniya.

Hindi naman siya nakaimik. Biglang bumukas ang lahat ng ilaw.

And as expected, all the attention are on us.

___

DARK EMERALD'S POV

Bumukas ang lahat ng ilaw at nakatingin kami sa dalawang babaeng parehong nakatayo sa gitna.

"Sino nga ba ang totoong Empress?" tanong ng isa, "And who are the impostor?" dagdag niya at diretsong tumingin sa'kin.

I wonder why also, sino nga ba?

___






THE MYSTERIOUS NERDWhere stories live. Discover now