CHAPTER FOUR

407 23 0
                                    

GLAIZA'S POV

One month had passed. And patuloy lang kami sa pagtetraining sa hideout namin tuwing hapon. Next month na ang laban kaya puspusan nakami sa training. Pero ang mas ipinagtataka ko. Eh bakit ako lang ang puspusan kong magtraining? Bakit sa kanilang apat ay parang wala lang?

*KRINGGGGGGGGGGGGG

Tumunog ang bell hudyat na First Subject na.

"Good morning, Students!" masiglang bati ni Teacher Marishka sa amin.

"Good Morning, Ma'am!" sabi nalang ng mga kaklase ko at ngumiti lang ako.

DISCUSS
.
.
.
DISCUSS
.
.
.
DISCUSS

Nang nasa kalagitnaan na kami ng klase ay may biglang kumatok sa pinto. Napatingin kaming lahat doon.

"Come in!" rinig naming sabi ni Ma'am ngunit hindi pa rin naaalis ang paningin ko sa pinto.

Pero huminto ang mundo ko ng makita ko siya?

'Anong ginagawa niya dito?'

___

THIRD PERSON'S POV

Napatingin ang lahat ng pumasok ang isang nerd? sa classroom.

Ngunit mababakas ang gulat sa mukha ni Glaiza na tila ba kilala niya ang babaeng pumasok.

'Sino siya?'

'Don't tell me magiging kaklase natin yan?'

'Kailan pa nagpapasok si Ms. Glaiza ng ganyan?'

Ganyan nalang ang mga reaksyon ng mga estudyante sa kaniya.

"Yes, Hija?" tanong sa kaniya ni Ma'am Marishka.

"Is this the Section Alpha Right?" tanong din niya.

"Yes, it is. Why, do you need anything from here?" sagot naman ni Ma'am.

"This is my section Ma'am." sabi ng babae at mas lalong napalakas ang bulungan ng lahat.

"Oh, I didn't expect that we have a new transferee here. Introduce yourself Hija." tanging sambit ni Ma'am Marishka, kahit may disgusto sa mukha.

___

AIKATERINE'S POV

"Ohh I didn't expect that we have a new transferee here. Introduce yourself Hija." sabi ng Teacher na di ako marecognize, ngunit halata ang disgusto sa mukha nito.

'Good mukhang effective ito.'

"I'm Aikaterine. Please teach me well." malamig kong sabi.

Natahimik silang lahat, at napatingin naman sa akin ang teacher.

"What's your last name Hija?"

"Lane. Aikaterine Aneesha Lane." malamig ko paring sagot.

"Okay. Ms. Lane you can sit at the back. Sorry, that's the only available-" hindi ko na siya pinatapos at pumunta na sa vacant seat na nasa likod.

Habang naglalakad ay nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"H-Hindi ka pwedeng umupo dito." nauutal na sabi niya at napangisi ako.

Tiningnan ko lamang siya. At patuloy na naglakad papunta sa likuran.

'Pray desperately. Dahil malapit ng mawala ang buhay na inagaw mo lang naman.'

___

XOCHITL'S POV

'Siya siguro ang bagong transferee ng Section Alpha.'

'OMG, nerd siya mga sis!'

'Yuck! So baduy!'

Malayo palang ako ay rinig na rinig ko na ang bulungan nila.

'Tss bumulong pa. Eh rinig na rinig naman hanggang gate.'

Hindi na ako nakapasok ng First Subject dahil late na akong nagising.

And since vacant naman namin, dito nalang ako pumunta sa Cafeteria at papunta na din naman yung apat at dito nalang kami magkikita kita.

Pero wait may bagong transferee?

Sino kaya siya?

___

Nang makapasok ako ng cafeteria ay nagtilian ang mga babae.

'Tss typical girls.'

Pero nagulat ako ng makita ang ilang kalalakihan na binuhusan ng carbonara ang babaeng parang manang na manamit? And wala ka paring makikitang expression sa mukha niya.

'Wow, she's tough.'

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad, pero ilang sandali pa ay may pumatid na naman sa kaniya.

"Hindi ko akalaing pinapasok ni Ms. Glaiza ang isang kagaya mo." sabi ni Aziria na pangunahing bully ng school.

"Tss." rinig kong sabi ng manang.

"I'll pay you 1M umalis kalang dito. Naririndi ako sayo!" sabi naman ni Aziria.

"I don't need your money." sagot ng Manang.

"What the-"

At akmang sasampalin ni Aziria yung Manang, nang napigilan nito ang kamay ni Aziria.

'Ang bilis niya.'

"Magdahan-dahan ka babae, at wag kang magpapadala sa mga naririnig mo. Nakatitiyak ka ba na siya nga ang totoong may-ari ng G.Z.A?" natahimik ang lahat sa sinabi niya.

Sino ba siya?

At bakit ganun ang pinagsasabi niya?

Magkakilala ba sila ni Glaiza?

THE MYSTERIOUS NERDWhere stories live. Discover now