CHAPTER 28

299 12 0
                                    

DARK EMERALD'S POV

“Sigurado kana ba sa sagot mo?” nakangising sabi ng Emperor.

Napatingin naman ako sa kaniya at sa babaeng itinuro ko, ilang beses ko pa iyong ginawa sa kanilang dalawa. Ngunit maging ako ay hindi matukoy kung sigurado na nga ba ako sa sagot kong 'yon.

Muling nagsalita ang Emperor, “Tatanungin ulit kita, Dark Emerald... Sigurado kana ba sa sagot mong 'yan?”

‘Sigurado na nga ba ako?... Pero kasi parang may mali eh.’

Hindi nalang ako sumagot sa halip ay tiningnan ko nalang ulit ang mga babaeng nakahilera hindi kalayuan sa'min.

Ewan ko kung bakit pero parang may nag-uudyok sa'kin na lapitan silang muli, kaya iyon ang ginawa ko.  

Ilang sandali pa ay bigla akong napangisi, ‘Mukhang alam ko na.’

Kampante akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina, at muli din akong tinanong ng Emperor, “Ngayon, sigurado kana ba sa sagot mo?” nakangisi paring tanong niya.

Tumango ako at muling itinuro ang babaeng itinuro ko kanina ang ikaapat na nasa hanay, ngunit agad ko iyong inilipat... sa pangalawa. 

Sa isip ay napangisi ako, hindi ako maaaring magkamali, siya iyon.

‘Ngayon ay siguradong sigurado na'ko.’

___

EMPRESS'S POV 

Darn it!! Paano niyang nahulaan? Ang buong akala ko ay napaniwala na siya n-ni Phenom. 

‘Goddammit, mukhang magaling nga siyang talaga!!’

“Kung ganon...” pambibitin ng aking ama at saka tumingin sa gawi namin. “...Lumabas ang totoong Empress.” makapangyarihang dagdag nito.

Humakbang silang apat paatras, kaya ako nalang ang natira sa kaninang hanay na binubuo namin. Tinanguan naman ako ng aking ama, hudyat para gawin ko na ang aking parte.

Bigla akong nawala sa harapan nila, at nagtungo sa gawi kung saan naroon ang mga switch ng ilaw. Dahan-dahan iyong namatay nang ibaba ko ang kaniya kaniyang switch nila.  

Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang biglang pag-alis ng aking ama sa entablado, gayundin ang iba pang miyembrong may mataas na tungkulin at alam kong kanina pa sila nakatutok sa'kin mula sa kung nasaan sila ngayon.

Napairap nalang ako at saka mahinang bumulong, “They really want to see my fight, huh!”

Nabalik ang atensyon ko sa entablado nang magpalinga-linga si Dark Emerald.

Pinagmamasdan ko lang siya mula rito sa dilim, pilit na binabasa kung ano ang magiging susunod na hakbang niya.

Ilang sandali pa'y nakita ko na siyang pumikit na tila pinapakiramdaman ang paligid at alam kong upang matukoy ang kinaroroonan ko. 

Ngunit hindi maaaring magtatago nalang ako dito, kaya walang ingay akong lumabas sa aking pinagtataguan at parang hangin sa bilis na dumaan sa harapan niya pero nakakapagtakang hindi pa rin siya dumilat. 

Nang makasigurado akong hindi niya naramdaman ang presensiya ko ay nagbalak akong suntukin na siya.

Ngunit nang akmang susuntukin ko na siya ay napigilan niyang bigla ang kamao ko. 

‘P-Paanong...?’

Maging ako ay nagulat sa pagkilos niyang iyon. At paanong nakaya niyang magkunwari ng nakapikit?

Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang, bumukas ang lahat ng ilaw.

“Walang duda, nakita na ng aking anak ang kaniyang magiging kabiyak... Dark Emerald of Emperor—X, I now proclaim as the Emperor Heir... and The Empress's Mate.”

___

DARK EMERALD'S POV

“...Dark Emerald of Emperor—X, I now proclaim as the Emperor Heir... and The Empress's Mate.”

Nagulat ako sa sinabing iyon ng Emperor, gayunpaman ay hindi ako maaaring tumanggi dahil ito ang kaugalian.

Ngunit isang tao lang ang bumabagabag isip ko, si Zaza. 

“Sa susunod na linggo ay magdaraos tayo ng pagdiriwang para sa inyong nalalapit na pag-iisang dibdib. At sa linggo ring iyon ay tatanggalin niyo ang Lanita kaniyang maskara upang kayong dalawa ay tuluyan ng magkakilala... Pati na rin ang mga pinunong may mataas na tungkulin dito sa council, panahon na para tanggalin niyo ang inyong mga maskara sa linggo nang sa ganun ay makita nila ang mukha ng kanilang mga pinuno, sa una at huling pagkakataon.” ani ng Emperador na ngayon ay nakatingin sa mga gangsters na nasa ilalim ng entablado.

Ngunit hindi ko inaasahan na biglang magsasalita ang nasa tabi ko–ang Empress, “Ano ang iyong sinasabi Ama? Alam mong hindi nila maaaring makita ang ating mga mukha?” kalmadong saad nito ngunit ramdam mo ang pagka-inis sa boses niya.

Tumawa lang ang Emperador sa sinabi ng kaniyang anak sabay sabing, “Ibahin natin ngayon... Tinatapos ko na ang komemorasyong ito, magandang gabi.” iyon lamang at biglang nawala ang Emperor sa paligid. 

‘Darn it!! Ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko ito ipapaliwanag kay Zaza?’

___

●–KINABUKASAN–●

___

XOCHITL'S POV 

Narito ako ngayon sa paaralan at kasalukuyang pinaghahanap si Glaiza, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong ipaliwanag sa kaniya na hindi kami para sa isa't isa, na kahit na bumalik na siya ay hindi na maaaring maging kami; at kinakailangan naming taggapin 'yon.

Ilang saglit pa ay nakita ko na sina Farah na naglalakad, pero wala si Glaiza, hindi nila ito kasama.

‘Saan kaya sila nanggaling?’ sa isip ko dahil nakapagtatakang hindi nila ito kasabay ngayon.

Naghintay pa ako ng ilang sandali at BINGO!!... nakita ko na si Glaiza, nakatingin sa'kin?

‘Teka, alam niya bang inaabangan ko siya?’

Papalapit na siya sa'kin kaya inihanda ko na ang sarili ko.

Napatikhim pa muna ako bago nakapagsalita, “Hi, Glaiza...” bungad ko at tinanguan niya lang ako.

“...Uh, Glaiza? Alam kong wala pa ring nagbago sa nararamdaman mo sa'kin, sapagkat nararamdaman ko iyon sa bawat tingin mo sa'kin. At sasabihin ko sa'yo ang totoo, 'ganon din ang nararamdaman ko. Pero Zaza, wala ng pag-asa ang nararamdaman nating 'to para sa isa't isa dahil may babae ng nakatakdang ikasal sa'kin... at sa linggo na gaganapin ang e-engagement n-namin, kaya pasensya na Zaza. Alam kong marami akong pagkukulang sa'yo kaya nais kong humingi ng tawad. Patawad dahil pinaghintay kita ng matagal ngunit hindi ko naman matutupad ang pangako ko, patawad sa lahat-lahat Zaza, patawad.”

Hindi siya umimik at sa halip ay blangko lang akong tiningnan. 

“Sorry Glaiza, pero hindi umayon sa'tin ang tadhana kagaya ng sinabi mo.” dagdag ko pa habang malungkot na nakatingin sa kaniya.

Ilang sandali pa ay naglakad na siya nang walang binitawang salita, pero nakakailang hakbang palang siya ay bigla siyang napatigil.  “Nothing change... Zuzu.” malamig na turan niya at saka umalis. 

‘D-Did she just call me by my nickname?’ Parang biglang lumundag ang puso ko sa narinig, ngunit huli na ang lahat, kailangan ko ng panindigan ang desisyon ko.

Hindi ko maaaring talikuran ang council, 'ganon din ang aking nakatakdang tungkulin.

‘I'm sorry Glaiza, I'm so sorry.’

___

THE MYSTERIOUS NERDWhere stories live. Discover now