CHAPTER ONE

723 33 0
                                    

GLAINNYS'S POV

*KRINGGGGGGGGGGGGG


*KRINGGGGGGGGGGGGG


*KRINGGGGGGGGGGGGG


Kinuha ko ang bagay na nakakaistorbo sa pagtulog ko, at sa inis ay hinagis ko ito sa kung saan, saka patuloy sanang matutulog.

Pero makalipas ang ilang segundo ay tumunog naman ang cellphone ko. Kaya bumangon na lamang ako at sinagot kung sino man itong istorbong ito.

“What?” inis kong sagot sa tawag at nakarinig ako ng mahihinang bungisngis sa kabilang linya.

“Relax, sisterbes HAHHAHA masyado kang high blood eh!” sabay tawa ni Giselle at ng iba pa sa kabilang linya.

“Eh sino bang hindi maiinis eh ang aga-aga ang lakas niyong makaistorbo.”

“Ohh c'mon Glaiza, don't tell me tulog ka pa sa oras nato?”

“Seriously Glaiza? Parang hindi ikaw to. HAHAHA no offend sayo. Dati kasi ikaw ang nauuna sa ating lahat. At never kang nalate, but now... Gosh! I can't believe this.” sabi naman ni Athena na inagaw pala ang cellphone kay Giselle, pero hindi ito ang nakapagpabigla sa akin kundi ang sinabi nito.

At hindi ako nakagalaw ng panandalian.

“And, to think na first day of school mo panaman dito. Don't tell me na kahit ikaw ang may-ari ay exempted kana. Aba, hindi pwede yan Glaiza!” pagtuloy niya sa panenermon sa akin.

“Okay napo Mother Athena! Mag-aayos napo!” natatawang sabi ko nalang at binaba na ang tawag.

___

•GLAINNYS ZABELLA ACADEMY•

“Welcome Back Ma'am!” bati ng mga staff pagkababa ko ng sasakyan.

At huling bumati sa akin ang Principal.

“Welcome Back Ma'am G.” sabay bow.

“Mukhang nalate kayo ng gising ngayon, Ma'am.” puna niya.

Nginitian ko na lamang siya.

“Here's your schedule.” ani niya at iniabot ang schedule ko.

I motioned 'Thank You' to her at naglakad na paalis. Nagbow naman sila ulit, at tumango nalang ako.

Habang naglalakad, ay sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko.

“GLAIZAAAAA!”

“SISTERBESSS!”

Yan ang maririnig mo sa kanila kaya pati ibang estudyante ay napapatingin sa akin.

Natatawa nalang ako sa kanila.

“HOY, BABAE BAKIT LATE KA! ABA DAPAT AY BAWASAN ANG SWELDO MO!” ani ni Farah.

Nginisihan ko lang siya.

“Tss! Same Old Farah!”

“FIRST TIME.” sabi naman ni Loraine na minsan lang kung magsalita.

Nginitian ko na lamang din siya.

At naglalad na kami papunta sa classroom.

___

XOCHITL'S POV

TOK*    TOK*   TOK*

Napalingon kaming lahat sa kumatok sa pinto.

“Come in!” rinig naming sabi ni Ma'am.

At pumasok sina Farah, Giselle, Athena, at Loraine kasama ang isang babaeng mukhang anghel.

‘WoahHhhh’

‘Anggandaniyaaaa’

‘Chixxxx’

Reaksyon ng mga kaklase namin .

At nagulat kami ng magbow si Ma'am Claire sa kaniya.

“MA'AM!”

Naguluhan naman kami ngunit walang sinumang naglakas ng loob na magtanong.

Nginitian nalang siya ng babae.

At bumalik naman sa amin ang paningin ni Ma'am Claire.

“Uhm, Class this is Miss Glainnys Zabella Quinn, the owner of this school and dito na din siya mag-aaral simula ngayon.” pakilala ni Ma'am sa kaniya.

“Hi everyone! Glaiza nalang masyadong mahaba pangalan ko eh! HAHAHHAHA!” tawa pa niya.

Natigilan naman ang apat niyang kasama sa iniasta niya.

“Okay Ms. Glaiza you can sit beside...

Naghahanap si Ma'am, ng upuan since masyadong occupied na lahat.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...Mr. Nixon.”

Nagkatitigan kaming dalawa. At may nakita akong fondness sa mga mata niya.

Kilala niya ba ako?’

THE MYSTERIOUS NERDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz