CHAPTER 24

372 22 4
                                    

COREEN'S POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng maging mag-on sina Glaiza at Yuan.

Tatlong araw na din niyang iniinda ang sakit sa dibdib niya. At mas lalo siyang naging malamig kaysa sa dati, yung tipong isang tanong, isang sagot.

And most especially, ikatlong araw na rin ng pang-aalipusta sa amin ng buong G.Z.A.

Lihim kong tiningnan si Aika.

'Ramdam kong malapit ng maubos ang pasensya niya.'

*KRRRRRRIIIIIINNNNNNGGGGGG

Lunch Break na pala, hindi ko man lang namalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko.

"Laten we gaan. (Let's go.)" yun lang at nauna na siyang maglakad.

Habang papunta kami sa cafeteria ay nakaramdam ako ng mga patak ng ulan, kaya kinuha ko na kaagad ang payong ko, at saka pinayungan siya. Mahirap na at baka magkasakit pa to, ako pa managot sa mga magulang niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Cafeteria.

Nagpresinta naman siya na mag-oorder, kaya tumango na lang ako bilang pagsagot, dahil kasalukuyan din naman akong nag-aayos ng gamit.

Ilang sandali pa ay bigla akong nakarinig ng nabasag.

Kaya dali dali kong tiningnan kung saan nanggaling iyon.

'Oops, wrong move.'

___

AIKA'S POV

Ako na ang nagpresintang mag-order dahil nag-aayos pa ng gamit si Coreen.

Pero habang naglalakad ako papunta sa cashier ay may naramdaman akong kakaiba, at sa tingin ko ay may hindi na naman magandang mangyayari, kaya inihanda ko na ang sarili ko.

'Pero kapag ako nasaktan pa ulit dito, humanda na kayo dahil sisiguraduhin kong sa impyerno ang bagsak niyong LAHAT.'

Umorder na ako, at sopas ang napili ko dahil malamig din naman ang panahon.

Pagkatapos kong magbayad ay hinarap ko ang tindera na kakilala ko rin naman. At nagulat siya ng makita ako. Gagawin niya sana ang palagi niyang ginagawa pero pinigilan ko siya.

"Pakisara nalang po ang lahat ng pintuan ng cafeteria." ani ko at saka tumalikod na pabalik sa mesa namin.

Nahagip ng mga mata ko na tumango siya bilang pagsagot at dahan-dahang tumungo. Pero hindi ko na iyon pinansin, dahil natanaw kong nandiyan na ang grupo nina Glaiza at Yuan.

'By pairs.'

Ilang saglit pa ay nakaupo na sila at dun lang ako humakbang pabalik sa mesa namin ni Coreen.

Nang biglang hinawakan ako ng mga alipores ni Aziria, dahilan para mahulog ang dala kong pagkain.

Ramdam ko ang tinginan ng lahat, lalo na ang tindera kanina na akmang tutulungan ako, nang binalingan ko siya at tiningnan na nagsasabing, 'wag, hayaan mo lang sila.'

Pero hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa sa akin ni Aziria.

'WTF!'

Binuhusan niya ako ng sopas na kinakain niya kani kanina lang.

Mainit iyon, kaya ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng sabaw nito sa mukha at buong katawan ko kahit na nakauniporme.

Bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha ko, at batid ko iyon. Kaya tiningnan ko si Coreen, at tumango lang kapagkuwan na para bang sang-ayon sa kung anumang binabalak ko.

THE MYSTERIOUS NERDWhere stories live. Discover now