Chapter 25

17 12 0
                                    

Chapter 25

Help

"Thank you iho." Si Mama pagkatapos makababa sa sasakyan ni Sarz. Hinayaan ko silang mag usap at tinulungan si Emma sa pagbubuhat ng ilang gamit namin para dalhin sa loob.

Kakalabas lamang namin sa ospital ngayong umaga, dadalaw pa sana si Sarz pero aalis na kami kaya nagpresinta na siyang ihatid kami.

Nagpaalam rin ako kay Usaijas bago kami umalis, noong una umalma pa siya dahil si Sarz ang maghahatid sa amin peri tinawanan ko lamang iyon.

I already told him that he is the only one for me at sinabi ko narin na si Sarz ay kay Emma, he still objected but I ignored it.

Gustuhin man niya na siya ang maghatid ay hindi pwede dahil naka duty siya at isa pa kaya lang niya lang gagawin iyon dahil ayaw niya kay Sarz.

Very unreasonable.

Tss.

"Pumasok ka muna iho, para makapag kape ka." Si Mama muli. Nilipitan ko sila para sana akayin si Mama papasok.

"Hindi na po, sasaglit lang naman po talaga ako at saka baka hinahanap na po ako sa station namin." Wika ni Sarz.

"Ahh, ganoon ba? Sige mag iingat ka." Si Mama naman.

"Mama, akayin ko na po kayo." Alok ko.

"Ano ka ba Jessiyah, hindi naman ako napilayan oh ano. Ayos lang naman ako." Sabi niya at nauna ng pumasok sa loob. I watched her untill she go inside the door kaya naiwan kaming dalawa ni Sarz sa labas.

"Jessiyah." Sarz called. Nilingon ko naman siya agad.

"Yes?"

"Naiabot mo ba ang ipinabibigay ko kahapon sa iyo?" Tanong ni Sarz.

Kumunot naman ang noo ko at inisip kung ano iyon.

"Alin?"

"Yung kahon?" Tanong niya pa at iminustra bahagya.

Naalala ko naman agad iyon!

Yung kahon ng cupcakes ata iyon na ipinaaabot niya kay Emma! Shit! Nasaan na nga ba iyon?

Naiwan ko sa opisina ni Papa!

Oh my!

"Shit! Sorry Sarz!" Paumanhin ko.

"Huh?"

"May pinuntahan kasi ako pagkatapos nating mag usap hindi ko naibigay. Sorry."

"Ganoon ba? Kaya pala malamig siya sa akin ngayon."

"Malamig? Si Emma ba?"

"Oo. Ang totoo kasi niyan kaya hindi ako makadalaw kahapon ay dahil hindi kami nagkaunawan noong huli kaming nag usap kaya pambawi ko sana yung cupcakes kahapon kaya naglakas loob ako na pumunta ngayong umaga na umasa ako na baka ayos na kami pero hindi pala kasi hindi mo pala naibigay." Malungkot niyang wika.

Shit!

Jessiyah, what the hell did you do! Pinalala mo ang away nila!

"Naku, pasensya talaga Sarz!"

"Hindi ayos lang, maghihintay nalang ako bukas baka maging maayos na kami."

"Pasensya talaga. Nakalimutan ko, babawi nalang ako sa kanya. Ipapaliwanag ko kay Emma!"

"Hindi na Jes, hayaan mo muna siya. Kami na ang bahala sa probelem namin. Sige mauna na ako." Wika niya. Tumango naman ako at hindi makangiti.

"Mag iingat ka. Sorry, talaga." Ani ko at ngumiti naman siya bago pumasok sa sasakyan at saka pinaandar ito.

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now