Chapter 3

60 25 0
                                    

Chapter 3

Good or Bad

"Ano ba naman kasi ang problema at hindi ka pupunta?" nagtatakang tugon ni Larah sa telepono.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni kuya Mat ay kinabukasan rin pagkatapos kong magbake ay tinawagan siya at ibinalita ang sinabi ni Kuya Mat. Matagal na pala niya alam na babalik si kuya Mat with kasama ang anak pero sinabi daw kasi ni kuya na siya mismo ang magsasabi sa akin.

"Walang problema Larah, ang akin lang bakit kailangan pa ang presensya ko doon. I can just meet his daughter after the party o kaya sa ibang araw. As if naman na hindi sila dito magtatagal at aalis agad." ani ko

"Gaga! Syempre, espesyal tayo kay kuya kaya kailangan nandon ka sa araw na iyon and that is his Birthday! Narinig mo Birthday!" singhal niya. I sighed bago muling nagsalita

"Eh bakit kasi inimbita na naman ang lokong iyon!" singhal ko rin

"Ayon! Yun ang dahilan, nandoon ang ex fiance! Natural espesyal iyon kay kuya!" naiirita niya ng paliwanag. Napapikit nalang ako at napasapo sa ulo, sa isang araw na iyon at eto parin ako gulong gulo

"Kailangan ko ba talagang pumunta?"

"Oo nga! Pailang ulit na Jesiyah ha! Pumunta ka na kasi, hindi naman lahat ng tao duon ay si Usaijas. Big celebration iyon kaya may tsansang hindi kayo magkita diba? Naisip mo ba iyon? Syempre hindi!" aniya at diretsong pinatay ang tawag.

Ibinaba ko nalang ang cellphone ko sa lamaesa dito sa labas ng veranda, kahit pa sabihing big cellebration iyon, iisa parin at 2% possibility ang hindi kami magkita and how about the 98%? Sure iyon! Magkikita at magkikita kami!

Sabihin ng maarte, suplada at tanga, hindi naman kasi kayo iyong naiwan magisa sa kasal. Grabe ang pagkapahiya ko sa araw na iyon, kahit hindi ko masyadong pinapakeelaman ang sinasabi ng iba naapektuhan parin ako.

Walang matibay na pader sa sandamakmak na problema, guguho at guguho rin ito. Nagkulong nalang ako sa kwarto ko maghapon at ipinikit ang mga mata hindi na iisipin pa dahil baka lalo lang lumala.

"Jesiyahhhhhh!!!!" boses ng nakakarinding tiktik ang narinig ko sa likuran ko. Nilingon ko ito at tuwang tuwa na pupunta sa kinatatayuan ko, hawak nya ang kanyang cellphone at mukhang may ipapakita ang gaga.

"Oh? Ang aga aga gumagawa ka ng eksena?" pataray kong tanong. Wala kasing pinipiling lugar ang pagbuka ng bibig niya, mapa Mall, school or bahay payan basta gustong ngumawa ngangawa.

Naupo sya sa opposite side ng table sa cafeteria ng school namin.

"May concert ang BTS sa pilipinas!! Kyaaaaa!!" tili niya at ipinapakita ang article na kaka post lang ni bighit 2 minutes ago, at nakita ko na kasama ang Pilipinas sa Tour nila.

"Gaga, basahin mo oh ang date. May pasok tayo, di tayo papayagan" panira ko sa excitement niya

"Hwebes naman eh! Lumiban nalang tayo sa biyernes. Isang araw lang naman eh! Minsan lang ito!" anyaya niya.

Okay lang naman sa akin, hindi naman mga palakol ang marka ko kaya ayos lang ang lumiban ng isang araw pero si Larah ay may isang subject na bagsak ang Science, may special project iyan kapag Sabado.

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now