CHAPTER 29: Part 1 - JEJU

Start from the beginning
                                    

"Manong Romy?" Nagtatakang wika ni Melinia.

"Come on, Melinia. That term makes me cringe. It's so cheap. Wag mo na akong tawaging manong we're not in the 80's anymore. Can't you think of a more modern honorific than that?" Mahangin na sagot nito.

"What's the purpose of your visit here, Mr. Barviaga?" Serysong tanong naman sa kanya ni Liliana.

"Wait. Isn't that a bit rude to welcome your uncle that way?" Pabiro namang wika niya kay Liliana.

"Hindi mo man lang ba muna ako pauupuin or something?" Dagdag pa nito.

"Well then have a seat, Tito Romy. " Kalmado at propesyunal na sambit ni Liliana.

Nang makaupo na ito ay siya ring pagkuha ni Liliana ng isang maliit na tasa at inilapag ito sa harapan ng tiyuhin niya. Sinalinan niya ito ng tsaa at agad naman itong ininom ng kanyang tiyuhin.

"This tea is superb. It relaxes my mind when I took sip from it. Sinong nagtimpla nito?" Tanong niya matapos ilapag ang tasa sa lamesa.

"Ako." Maikling sagot ni Melinia.

"Tamang-tama lang ang lasa nito. Medyo nawala ang stress at pagod ko from that long ride going here." Wika naman ni Romuelito.

"So, why did you came here? Tito Romy?" Mahinahong sambit ni Liliana.

"Don't be hasty, Liliana. Darating din tayo dyan." Nakangiti tugon ni Romuelito.

"Just cut the chase, tito. It's very seldom for you to come here unless it's.. business." Usal ni Liliana sa kanya.

"I know you're stressed about the happenings in our company so it's better if we talk about it later." Sagot naman ni Romuelito.

"I filed for a vacation leave for a month to momentarily escape from it. But since you're here already, bakit pa na'tin paiikot-ikutin pa ang usapan kung dun din naman hahantong ang lahat?" Mahinahon na bwelta ni Liliana.

Napangiti na lang si Romuelito kasabay ng paghigop nito ng tsaa mula sa tasa. Matapos nun ay inilapag niya ito sa lamesa at diretsong tumigin kay Liliana.

"I really like that personality of yours. You're always straight to the point." Sambit ni Romuelito ngunit seryoso lang na nakatingin si Liliana sa kanya.

"Well then, if that is what you want. To put everything in a nutshell, the company's stock price has begun plummeting since the past months." Dagdag ni Romuelito sabay kuha ng isang folder mula sa suitcase na dala niya at ibinigay ito kay Liliana.

Mabilis na binasa at inilipat-lipat ni Liliana ang mga papel at pahina ng dokumentong ito bago ito ibinalik kay Romuelito. At sa reaksyon ng mukha niya sa mga oras na iyon ay mukhang hindi ito nagpakita ng pagkagulat at pag-aalala mula sa mga ipinakita at sinabi sa kanya ng sarili niyang tiyuhin.

"This is complete nonsense. My husband is doing his job as the chairman of the company. That document has no basis." Wika ni Liliana sa kanya.

"There's no smoke if there's no fire, Liliana. Karamihan sa mga investors ng kumpanya ay nagdadalawang-isip na kung aalisin ba nila ang investments nila or hindi because of it." Sagot naman ni Romuelito sa kanya.

"So what do you want to happen?" Seryosong tanong ni Liliana.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Romuelito nang marinig ang sinabing iyon ni Liliana. Muli niyang binuksan ang suitcase na dala niya at mula rito ay may isa na naman siyang dokumentong kinuha at inilapag sa lamesa.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now