CHAPTER 6 - INCHEON

24 1 4
                                    


Jerra's Point of View


"Goodmor--" Putol na sambit ko nang makakita ako ng isang himala.

'Steph and Angel are still sleeping'

This past few days kasi ako ang huling nagigising dahil ayon nga sa kanila ay mantika daw ako kung matulog.

Pagod kasi ako nung mga nakaraang araw dahil sa mga ginagawa namin sa mga unang araw ng klase but at least may similarities na kami ngayon ni Yoongi and I think it's destiny.

Kasi nga diba gusto ni Yoongi na mareincarnate bilang bato according to Jin. Haha!

Pero enough with KPOP dahil kinikilig na naman ako kay Min Yoon Gi.

Anyways, bumangon na ako sa double deck at iniwan ang dalawang unggoy sa mga kama nila na mahimbing ang tulog until now.

Nagtooth brush muna ako at naghilamos and then nagprepare na ko ng breakfast para samin. Actually hindi na talaga siya breakfast dahil alas dose na ako ng tanghali nagising.

So I prefer it calling 'Break-Lunch'. (Corny.)

Nang maihanda ko na ang pagkain sa mesa ay umupo na agad ako para lumantak. Lumipas ang oras at nakaka tatlong round nako ng kanin ay hindi parin nagigising ang dalawa.

Ewan ko ba! Akala mo nagparty buong gabi at grabe kung matulog!

Binuksan ko na ang TV at sinet ko sa high volume para magising ang dalawa. Sakto naman nang naghahanap ako ng channel na mapapanuod ay pinlay ng isang korean channel ang isang MV ni Hoseok which is 'Daydream'.

Which is also tama lang din na marinig ng dalawang bruha na hanggang ngayon ay nasa kama parin at hanggang ngayon ay nagde 'Daydream' pa rin. Gets? Sige na nga last na yon.

Ilang segundo ko palang piniplay ang Daydream sa TV ay may narinig akong tili sa kwarto at kumaripas ng takbo papuntang sala.

Si Angel.

"JHOOOOOPE!" Sigaw nito na may laway pa sa gilid ng bibig at sabog sabog ang buhok.

"Jerra! Oh my God! JERRA! " Sigaw niya muli habang kumakain ako.

"Girl, I thought you're Jimin's bride? So ano nagtataksil ka na ngayon? At isa pa, pwedeng magtoothbrush ka muna don? Please lang." Reklamo ko sa kanya.

"Hindi ka ba familiar sa word na bias wrecker? Well, you should. Hmp." Sambit niya sabay alis.

Nagtarayan muna kami bago siya umalis at matapos noon ay si Steph naman ang lumabas sa pinto para magkape.

Matapos kong kumain ay inilagay ko na ang plato sa lababo at naghugas ng kamay.
Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa habang kumakain naman sa lamesa sina Steph at Angel.

Sunday ngayong araw kaya wala kaming ibang magawa kundi manuod ng TV at ngumanga dahil nga pumunta na kami ng mall kahapon. Nakakasawa na rin.

Nagcellphone at tumulala lang ang ginawa namin ngayong linggo at di namin namalayan na pagabi na naman ulit.

Parang kanina lang gumising ako and then tada, it's night time once again! Kaya naman naghanda na lang kami ng dinner namin and then ginawa ang mga skin routines at tsaka ipinikit na ang mga mata namin para matulog.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now