Kabanata 7

13K 302 14
                                    

Kabanata 7

Nakangiting pinunasan ni Nadine ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang kaibigang si Indira na naglalakad patungo sa kanyang pinakamamahal na si Janus habang nakaangkala ang braso nito sa ama nito.

Matapos ang ilang linggong paghahanda ni Janus para sa araw na ito ay sa wakas, ikakasal na ito sa babaeng nag-iisa nitong iniibig mula pa noon. Masaya sya para sa mga ito dahil simula sa araw na ito, habangbuhay nang magkakasama ang mga ito. Maaaring may mga darating na problema sa pagsasama ng mga ito ngunit alam nyang kayang-kayang lampasan iyon nina Janus at Indira.

Mahal na mahal kasi ng mga ito ang isa't isa at naniniwala syang mangingibabaw ang pag-iibigan ng mga ito sa oras na subukin ang mga ito ng mga pagsubok.

Mabuti pa ang kaibigan nya dahil nakita na nito ang lalaking mamahlin at makakasama nito habangbuhay. Hindi naman sa nagmamadali sya kaya lang sa tingin nya ay malabo pang dumating ang para sa kanya sa panahon ngayon. Alam na alam na nya kasi ang mga lalaki sa ngayon. Walang sineseryoso.

Napatingin sya sa kanyang ina ng yakapin sya nito mula sa likuran. Napangiti sya. Kahit na malaki na sya ay hindi pa rin nawawala ang pagiging sweet ng Mommy nya.

"Anak, ikaw kaya kailan ikakasal?" tanong pa nito.

Napanguso naman sya sa sinabi nito. "Mommy, wala nga akong boyfriend kaya paano ako magpapakasal?"

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti. "Ayy! Gusto ko 'yan, bebe. Ako ang maghahanap ng groom para sa'yo."

Napaikot na lang sya ng mga mata. "'My, di na uso yang arrange marriage na 'yan. Isa pa, gusto ko na yung pakakasalan ko ay yung taong mahal ko." aniya. Napangiwi pa sya ng mapagtantong ang corny ng sinabi nya.

Umiling ang kanyang ina. "Eh di pausuhin natin! Ikaw talaga bebe Thea, ang bitter mo." anito at kinurot pa ang kanyang pisngi at nanggigigil na hinalikan iyon.

"Mommy naman, eh!" angal nya. "Nakakahiya sa mga bisita nila Indie."

Under His Possession [Completed]Where stories live. Discover now