Kabanata 28

5.9K 145 2
                                    

Kabanata 28


"Mahal na mahal kita, Cassiopeia... Mahal na mahal kita."


Ang mga katagang iyon ang paulit-ulit na nagpapabalik-balik sa isip ni Nadine. Napapaiyak na lamang siya kapag nangyayari iyon.Hindi niya akalaing may sasakit pa pala sa nararamdaman niyang pangungulila kay Jace noong mga panahong inilayo niya ang kanyang sarili dito.


Hindi matanggap ng kanyang puso't isipan ang kanyang narinig kanina. Paanong mahal pa nito si Cassiopeia? Oo nga't hindi nila napag-usapan ang tungkol sa babaeng iyon at nawala na rin iyon sa kanyang isipan ngunit hindi niya lubos maisip kung bakit iyon sinabi ni Jace.


Ang sabi sa kanya ng binata, mahal siya nito. Gustung-gusto niyang paniwalaan ang sinabi nito ngunit bakit hindi niya magawa? Bakit ayaw tanggapin ng kanyang isip na siya ang mahal ni Jace?


Paulit-ulit niyang pinindot ang doorbell ng biglang bumukas ang main door ng bahay na pinili niyang puntahan matapos ang masakit na pangyayar kanina.


Nang lumabas ang nakasimangot na si Indira ay hindi na niya ito hinintay na pagbuksan siya ng gate. Siya na mismo ang gumawa niyon. Dali-dali siyang pumasok sa bakuran ng mga ito at sinalubong ng yakap ang kanyang nagtatakang kaibigan.


Alam niyang buntis si Indira at hindi niya dapat ito pinuntahan ngayon dahil baka makaapekto sa bata ang magiging reaksyon ni Indira sa oras na sabihin niya dito ang kanyang saloobin ngunit wala siyang mapagpipilian. Kailangan niya ng kaibigan sa mga oras na ito. Malayo man si Rhian upang damayan siya, narito naman si Indira at alam niyang handa ang mga tenga nitong makinig sa kanya.


"Din, bakit ka umiiyak?" Mahinahong tanong nito sa kanya ng igiya siya nito paupo sa sofa sa sala.


Umiling-iling lang siya at niyakap ang kaibigan. Sa balikat ni Indira ay ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit niya kay Jace. Hindi naman it nagsalita at nakinig lang sa kanyang mga hinaing habang hinahagod ang kanyang likod.


Mas lalo siyang naiyak sa ginawa ni Indira. Talagang maaasahan niya ito sa lahat ng oras. Isa itong tunay na kaibigan.


Nang medyo gumaan ang kanyang pakiramdam ay kumalas siya mula sa yakap nito at suminghot.


"P-Pasensiya ka na, Indie kung sumugod ako dito. Alam ko namang hindi ka pwede ma-stress kaso wala na talaga akong naisip na pwedeng pagsabihan ng mga hinanakit ko." Medyo paos na sabi niya.


Nakakaunawang tumango si Indira at bumuntong hininga.


"Kung hindi lang magpapanic si Janus, kanina ko pa sinugod ang lalaking 'yun, Din." Anito.


Napangiti siya. "H-Hindi mo naman kailangang gawin 'yun, Indie."


Matalim siya nitong tinignan. "Ano? Magpapaapi ka na lang? Hahayaan mo na lang siyang saktan ka? Aba, ang kapal naman ng mukha niyang Jace na 'yan!" Nanggagalaiting sambit nito.


Hinawakan niya ang kamay nito. "Huminahon ka, Indie baka kung ano pa ang mangyari sa baby mo. Ako pa ang malalagot kay Janus nito."

Under His Possession [Completed]Where stories live. Discover now