Kabanata 27

6K 156 5
                                    

Kabanata 27


Nahahapong napaupo si Nadine sa sofa ng kanyang apartment. Kagagaling niya lang sa biyahe. Umuwi kasi siya sa kanilang probinsiya upang bisitahin ang kanyang mga magulang at ang kanyang lola na sa kanila na nakatira ngayon.


Napabuntong hininga siya. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho at ang tatlong araw niyon ay ginugol niya upang makasama niya ang kanyang pamilya. Nagpaalam naman siya sa kanyang boss kaya wala na siyang dapat ikabahala sa bagay na iyon.


'Yun nga lang, isang linggo na rin silang hindi nag-uusap o nagkikita ni Jace. Ang binata rin ang dahilan kung bakit siya nagfile ng leave of absence. Siguro nga ay nagpadalos-dalos siya sa kanyang desisyon ngunit gusto niya lang ipahiwatig dito na ayaw niyang dinidiktahan siya sa mga bagay na dapat at hindi niya dapat gawin. Pakiramdam kasi niya ay kinokontrol ang buhay niya.


Tinatawagan naman siya nito ngunit pinili niyang wag sagutin ang mga iyon. Sa tingin niya kasi ay kailangan niya muna ng space. Hindi rin kasi niya inaasahan ang inasal ni Jace ng mga panahong iyon.


Napatingin siya sa kanyang cellphone ng tumunog iyon. Akala niya ay si Jace na naman ang tatawag sa kanya ngunit ganun na lang ang kanyang pagtataka ng makitang unknown number ang tumatawag sa kanya.



"Hello?"


Narinig niyang nagbuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Nadine.."


Napasinhap siya ng makilala ang nagmamay-ari ng boses. "K-Kuya Church?"


"Pwede ba tayong magkita? Kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon, eh."


Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito. Naalala na naman kasi niya ang sinabi ni Jace sa kanya. Pero..


"S-Saan po tayo magkikita?"



NAPAHINGA siya ng malalim nang makitang kinawayan siya ni Church. Nakipagkita ito sa kanya sa isang ice cream shop. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pagkikita nilang ito. Pakiramdam niya kasi ay nagtataksil siya kay Jace. Pero nakipagkita lang naman siya kay Church bilang kaibigan. Isa pa, wala na siyang nararamdaman para dito. Kahit ilang beses niya pang ulit-uliting sabihin iyon sa harapan ni Jace ay hindi siya magsasawa kung iyon lang ang tanging paraaan upang humupa ang selos na nararamdaman nito.



"I'm glad you came."


Kimi niya lang nginitian si Church. "Bakit ka nga pala nakipagkita, Kuya?"


Umiling-iling ito. "Mamaya na tayo mag-usap, let's order first." Yaya nito.


Nang may lumapit na waiter ay um-order na sila.


Vanilla ice cream ang pinili niya samantalang ang binata naman ay chocolate. Habang kumakain ay binasag na nito ang katahimikan.


Under His Possession [Completed]Where stories live. Discover now