Kabanata 6

14.3K 328 4
                                    

Kabanata 6

Kanina pa sya hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. Pabalik-balik ang kanyang palad habang nakakuyom ang kanyang mga kamay. Hindi nya maintindihan ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Galit sya. Galit na galit. Anong karapatan ng lalaking iyon na basta-basta na lamang sya halikan?

Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay at pumikit upang makahinga ng malalim. Matapos ang kapahangasan nito ay walang sabi-sabing sinampal nya ang makapal na pagmumukha ng lalaking iyon. Ni hindi man lang ito nagsalita pagkatapos. Pinaghahampas nya pa ito sa dibdib at nakatikim ng hindi mabilang na mura nya ngunit nanatili lang itong nakatitig sa kanya at kung hindi sya nagkakamali ay may bahid ng pagkamangha pa ang klase ng tingin nito sa kanya.

Ang kapal talaga ng mukha.

Wala pa yata itong planong umalis sa kanyang opisina kaya't sya na mismo ang lumabas at nagpaalam na mag-ha-half day na lang. Napakawalang hiya talaga! Ang akala siguro nito ay madali sya nitong makukuha. Aba naman, kahit na gwapo pa ito ay hindi naman sya kaladkaring babae na papatol na lang basta-basta. Pinalaki yata syang matino ng kanyang ina. Well, minsan ay hindi sya matino.

Ibinagsak nya ang kanyang sarili sa kanyang kama. Diretso kasi syang umuwi dahil hindi nya alam kung saan sya pupunta. Baka kasi kapag mas lalo pa syang nabwisit ay basta na lang syang magsungit sa kahit na sino. Wala sa kondisyon ang kanyang pag-iisip.

Tinawagan na nya kanina ang kanyang mga kaibigan para sana makagala sila pero naalala nyang nasa resort nga pala ni Janus si Indira. Ayon naman kay Rhian ay papunta na ito dahil mamaya pa naman daw ang klase nito. Naiinip na sya sa kakahintay pero hindi pa rin ito dumating.

"Din!"

Napabalikwas sya ng bangon ng marinig ang boses ni Rhian. Inayos nya ang kanyang damit at kinuha ang kanyang bag bago sya lumabas sa kanyang kwarto. Sinuklay nya rin ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

"Hay salamat at dumating ka din, Yan." aniya.

Ngumiti sa kanya si Rhian. "Okay ka na ba, Din? Gusto mo bang resbakan natin yung damuhong yun?" natatawang tanong pa nito.

Under His Possession [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin