Kabanata 31

7.7K 165 6
                                    

Kabanata 31


"Kahit kailan ay wala ka talagang kwentang bata ka! Ikaw ang nagdadala ng salot sa buhay ko!"


Napabaling sa ibang direksyon ang mukha ng binatilyong si Timoteo ng sapakin siya ng kanyang amain na si Santiago. Napapikit na lamang siya ng maramdaman ang kirot dulot ng sampal nito.


Sa araw-araw na nabubuhay siya sa mundong ibabaw ay hindi mawawala ang pananakit nito sa kanya. Maging ang kanyang ina ay walang ibang magawa kung hindi ang umiyak na lamang dahil maging ito ay pinagbubuhatan din ng kamay.


Siya kasi ang sinisisi nito kung bakit namatay ang kanyang anim na taong gulang na kapatid na babae. Aksidente ang nangyaring pagkakalunod nito sa ilog dahil na rin mismo sa kapabayaan nito ngunit siya ang nabubuntunan ng sisi. Nakita kasi ito ng kanyang kapatid na may kasamang ibang babae kaya hinabol ito ni Helena.


Ngunit ng papatawid na ito sa ilog ay bigla na lamang itong natangay sa malakas na agos. Habang siya ay walang nagawa upang iligtas ang kanyang nakababatang kapatid. Ni hindi nga niya namalayan na umalis ito ng kanilang maliit na kubo. Siya kasi ang inatasan nitong bantayan ang kapatid.


Simula noon ay hindi na natigil ang pang-aapi nito sa kanya. Hindi naman ito ganoon noon. Sa katunayan nga ay kahit hindi siya nito pinapansin ay alam niyang kahit paano ay tanggap siya nito kahit pa anak siya sa unang asawa ng kanyang ina. Maaga kasing na biyuda ang kanyang ina at alam niyang malungkot ito. Kaya naman ng makilala nito si Santiago ay hindi niya ito tinutulang magmahal muli.


"Ano? Hindi ka sasagot? Nasaan na ang perang kinita mo ngayong araw?" Bulyaw nito at itinulak-tulak pa siya.


Hinarap niya ito. "P-Pasensiya na po, T-Tatang. Ibinigay ko po kay Inay upang may pambili siya ng makakain."


"Punyeta!"


Napaigtad siya ng marinig ang pagmumura nito. Agad niyang dinaluhan ang kanyang inang nanginginig sa takot. Mahirap na, baka kung ano na namang kabulastugan ang gawin ng kanyang amain sa kanyang sakiting ina.


Dinuro sila ni Santiago. "Kayong dalawa, mga wala talaga kayong kwenta! Bwisit na buhay! Mamatay na sana kayo!" Anito at nagmartsa paalis ng kanilang bahay.


Niyakap na lamang niya ang kanyang inang umiiyak at hindi na binigyang-pansin pa ang tingin ng mga kapitbahay nilang nakikiusyuso. Sanay na siya sa ganitong tagpo. Makakaya niya ang lahat basta't 'wag lang idamay ang kanyang pinakamamahal na ina.



HABANG naglalako ng mga gulay ay nakita ni Timoteo ang dalagang kanyang itinatangi. Si Cassiopeia. Nakangiti ito habang nakikinig sa kwento ng lalaking kasama nito.


Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng panibugho. Mabuti pa ang lalaking iyon dahil nagagawa nitong makausap at pangitiin si Cassiopeia habang siya ay ni hindi makalapit. Nahihiya kasi siya dito.


Para sa kanya ay mahirap itong abutin kaya hanggang tingin na lamang siya sa dalaga sa tuwing nakikita niya itong namamasyal. Sa estado ngayon ng kanyang buhay, malabong magustuhan siya nito lalo na't ang lalaking kasama nito ay maykaya.

Under His Possession [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang