Kabanata 18

7.3K 162 3
                                    

Kabanata 18

"Hello? Earth to Miss Gonzales!"

Napakurap-kurap siya ng bahagyang itinulak ni Jace ang kanyang noo gamit ang hintuturo nito. Bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi ng mapagtantong nakaupo pa rin siya sa kanyang swivel chair habang ito naman ay nakatalungko sa kanyang harapan. Wala na rin sa mesa ang cellphone nito kaya obviously ay wala na ang tugtog.

Napalunok siya. Di ba dapat ay nagsasayaw silang dalawa? Bakit ganito pa rin ang pwesto nila?

"A-Anong nangyari?"

Humalukipkip ito. "I was just asking you to have lunch with me and then you just stared at me for I don't know how long," anito habang nakacrossed arms at nagtatakang tinitigan siya.

"A-Ahmm... W-Wala, may naisip lang k-kasi ako," pagsisinungaling niya pa.

"I heard you murmuring something but I just can't understand it," anito na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata.

Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay sa harapan nito. "N-Naku! W-Wala 'yun, 'no," she laughed nervously.

Kung bakit naman kasi niya naisip ang ganoong bagay? At anong katangahan yung mga linyang naisip niyang sinabi niya? Argh! Gustong-gusto niyang batukan ang sarili niya ngayon dahil sa kanyang kabaliwan. Hindi na niya maipaliwanag kung anong kagagahan ang mga pinaggagawa niya.

Nakakahiya naman kapag nalaman ni Jace ang nangyari kani-kanina lang. Baka isipin pa nito na may gusto rin siya dito.

Bakit, wala ba?

Whatever. Sagot niya sa nagmamagaling na konsensiya niya. Pati ito ay hindi kumbensido sa mga pinagsasabi niya. Nakakaloka!

Habang naglalakad sila ni Jace palabas ng kanilang building ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mukha nito. Napakagwapo talaga ng gagong 'to kaso ang seryoso kung tititigan. Kung hindi niya pa siguro ito kakilala ay masasabi niyang masungit ito. Masungit naman talaga ito pero hindi naman masyado. Parang lagi kasing nakakunot ang noo nito. Ngunit ang totoo, bully ito. Isang dakilang bully.

Under His Possession [Completed]Where stories live. Discover now