Kabanata 4

16.9K 354 8
                                    

Kabanata 4

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kabang kanyang nararamdaman kahit pa ilang oras na ang nakararaan mula ng mangyari ang muli nilang pagkikita ng lalaking iyon kanina. Hindi nya mawari kung anong klaseng emosyon ang kanyang  nararamdaman. Imposible namang may gusto na agad sya dito. Ano sya, hilo? Hindi naman sya ganun kadaling mahulog sa bitag ng isang lalaki.

Ewan ba nya kung bakit kinabahan sya ng makita ulit ito. Hindi rin maalis sa kanyang isipan kung bakit ito nagtratrabaho sa isang fast food chain gayong alam naman nyang sa New York ito galing. Hindi nya lubos maisip kung bakit ito pa ang nagdeliver ng in-order nya kanina. Kakatwang isipin kung tadhana ang dahilan.

"Din, alam kong hindi ako kasing sarap ni Indie kung magluto pero utang na loob naman, wag mong paglaruan ang pagkain." nagtatampong saad pa ni Rhian.

Nang lingunin nya ito ay nakanguso pa ito. Hindi nya tuloy maiwasang mapaikot ang mata. "Wala akong sinasabing ganyan, ah." aniya. "May iniisip lang ako."

"Ano naman 'yun?" tanong pa nito. "Care to share?"

Umiling-iling sya. "Parang Tanduay Ice to eh." aniya. Napakunot naman ang noo nito. "Bawal i-share." dagdag pa niya at itinuon ang pansin sa pagkain.

"Ang daya mo naman." usal pa nito.

Hindi na lang nya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Sila lang dalawa ni Rhian ang magkasalo sa hapunan dahil hindi pa dumadating si Indira. Baka nakipagdate kay Janus. She's wondering kung nagkabati na nga ba ang dalawa. Ihahanda na lang nya ang sarili sa maaaring pagbatok sa kanya ni Indira mamaya. Alam naman nyang aamin si Janus kung saan nito nakuha ang kalokohang sinabi niya dito. Masyado naman kasing loyal ang lalaking yun. Parang manginginig na nga ang tuhod nun kapag nagagalit si Indira.

Hay, pag-ibig nga naman. naisaloob nya.

Nang matapos sila sa pagkain ay dumeretso na sya sa kanyang kwarto upang magtupi ng damit habang si Rhian naman ay naghuhugas ng plato. Ito kasi ang nakatoka. Ilang sandali pa ay narinig nya ang pagkalabog ng pintuan na syang ikinakunot ng kanyang noo.

Under His Possession [Completed]Where stories live. Discover now