Kabanata 35

9K 180 6
                                    

Kabanata 35

"N-Nadine..."

Nang banggitin ni Jace ang kanyang pangalan ay hindi na napigilan ni Nadine ang kanyang sarili. Tinakbo na niya kaagad ang distansiya nilang dalawa at agad itong hinalikan sa mga labi.

Napapikit siya ng muling matikman ang halik nito. Sobra niya itong namiss. Ngayon ay parang nagsisisi pa siya kung bakit niya ito iniwan.

Nang kumalas siya mula sa halik nito ay kaagad nitong pinugpog ng halik ang kanyang buong mukha dahilan upang mapahagikhik siya dahil sa kiliti na dulot niyon.

"H-Hindi ba talaga ako nananaginip?" Maluha-luhang tanong nito habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at umiling-iling.

"H-Hindi, Jace. Totoong nandito na ako."

Agad siya nitong kinabig payakap. Naririnig niya pa ang pagsinghap nito habang nakasubsob ito sa kanyang leeg.

"A-Akala ko.... A-Akala ko h-hindi ka na babalik sa 'kin. A-Akala ko tuluyan mo na akong i-iiwan." Pumipiyok ang boses na saad nito.

Napaiyak siya habang hinahaplos ang likod nito.

"H-Hindi na ako aalis, Jace. Handa na akong harapan ang anumang panganib makasama ka lang."

Kumalas ito sa yakap at mataman siyang tinitigan.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yan. Ako ang lalaban para sa atin. Ako ang magproprotekta sa'yo."

Hinawakan niya ang pisngi nito at napanguso.

"Pumayat ka." Pabulong na puna niya.

Nahahabag siyang makita ang ganoong hitsura ni Jace.

May dark circlea ito sa ibaba ng mga mata nito na halatang dahil sa walang tulog at pahinga at bahagya ring nangangayayat ang mukha nito.

Amoy alak din ito. Naramdaman niya iyon kanina nang halikan niya ito.

Hindi niya maiwasang mamula sa isiping iyon. Hindi na niya kasi napigilan ang sariling gawin iyon dahil sa kanyang pangungulila dito.

"Hindi ka ba kumakain? 'Wag mong sabihing puro alak na lang ang laman ng tiyan mo?" Tinapunan niya ito ng matalim na tingin.

Umiwas ito ng tingin sa kanya at iginiya siya paupo sa sofa nito.

Hinawi pa nito ang mga kahon bg pizza at ilang lata ng beer na nakalagay doon.

Nakita niyang napakamot ito sa ulo.

"Mas gusto ko na lang magkasakit ng iwanan mo 'ko. Baka sakaling bumalik ka upang alagaan ako." Nahihiyang saad pa nito.

Para namang may libo-libong karayom ang tumusok sa kanyang dibdib ng marinig ang sinabi nitong iyon. Nakokonsensiya siya dahil sa ginawa niya pero hindi naman niya pinagsisisihan iyon.

Mas naging malinaw kasi sa kanya ang sitwasyon nila at ngayon, alam na niya ang gagawin sakaling dumating ulit ang panahon na bumalik ang panganib.

Sa naisip ay hindi niya naiwasang magtanong.

"S-Sinasapian ka pa rin ba ni T-Thanatos."

Napasinghap ito kapagkuwa'y hinawakan ang kanyang kamay at pinisil-pisil iyon.

Nakita niya ang pagtango nito.

"Isang linggo na ang nakakaraan simula nang huli niya akong saniban. 'Yun ay noong nagkita kami ni Church at sinuntok niya ako."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

"S-Sinuntok ka ni Kuya C-Church?"

Nakita niyang napahawak ito sa gilid ng labi nitl at doon niya napansin ang maliit na sugat doon.

Under His Possession [Completed]Where stories live. Discover now