Bus (Suho)

94 1 0
                                    

Masasabi kong WALANG GENTLEMAN sa panahon ngayon.

Kainis! Hindi nga ako sumasakay ng bus dahil alam kong laging standing ovation ang mga tao.

At ang mga bus driver, walang awat magpasakay kahit puno na sinasabi pang maluwag.

Saan ang maluwag manong driver? Sa gulong?

Dahil 9pm na no choice ako kundi sumakay na ng bus kahit punuan na.

"Aray ate."

"Paa ko naman."

"Wag kayo manulak!"

Yan ang dahilan kung bakit ayaw ko sumakay sa bus, bukod sa standing ovation, may wrestling pang nagaganap. Jusmiyo!

Sa loob ng 30mins nakatayo pa rin ako. Alam mo yun. Ang daming naturingang lalaki sa loob ng bus na yun, pero hindi magawang magpaupo?

Ayan malapit na ko bumaba ng may naunang bumaba sa akin.

"Miss upo ka na." Sabi ng lalaking nakatayo rin.

"Wag na. Baba na rin naman ako!"

Kainis. Kung kelan baba na ako doon magpapaupo.

"Sungit." Sabi nung lalaki saka sya umupo.

"Tse. Para!"

~~~~

Panibagong araw. Panibagong pakikipagsapalaran.

Dahil late ako gumising, no choice ako kundi sumakay na naman ng bus. Ano aarte pa ba ako? Late na ko saka na landi, kailangan pumasok. Di naman kasi uso Taxi sa probinsya.

Buti nalang wala pa masyadong sakay kaya nakaupo na rin ako pagkasakay ko. Dun ako umupo sa tabi ng bintana.

Nilagay ko sa tainga ko ang earphones ko dahil malayo layo pa ang byahe ko. Saka isa pa inaantok pa ko.

Nagising ako dahil kay kuyang kondoktor na pinababa na ko.

"Miss, oy miss, bumaba ka na."

"Ay sorry. Teka bayad ko."

Pakuha na ako ng pera sa bag ko ng sinabi ni kuya na bayad na ako.

"Talaga? Libre ako?"

"Gaga. May nagbayad sayo kanina. Yung katabi mong guwapo na kababa lang din."

Nagaga pa tuloy ako ni kuyang kondoktor.

Patayo na ako ng may makita akong post it notes na nakadikit sa upuan sa harap ko.

'The struggle you're in today is developing the strength you need for today.' :)

Kinuha ko yun at bumaba na.

Sino kaya nagbayad ng ng pamasahe ko. Sana araw araw kong kasabay yun para libre ako lagi sa pamasahe. Hihih.

~~~~~

Araw-araw nakakalibre ako sa pamasahe at araw-araw din ako nakakatanggap ng post it notes.

'Life always offers you a second chance. It's called tomorrow.' :)

'Every new day is another chance to change your life.' :)

Nung umpisa mga tungkol sa araw ang mga quotes nya pero nung sumunod na mga araw mga love love na.

'You breathe oxygen? We have so much in common.' :)

'Your voice is my favorite sound.' :)

Dun ako nagtataka. Paano nya nasabi na ang boses ko ang paborito nyang sound. Eh lagi akong tulog sa byahe, at saka hindi ko nga sya na aabutan na katabi ko. Nung isang araw pinilit kong wag matulog sa byahe, pero wala nakatulog pa rin ako.

'I will wait for you because honestly I don't want anyone else.' :)

Araw araw nasanay na ako sa routine na ganun. At ang huli nyang post it ay

'By the way, I love you.' ;)

Pagkabasa ko nun, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para na nga akong natatae na ewan at para na rin akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Pero kinabukasan nun, hindi na ako nakakatulog sa byahe. Hindi na rin ako nakakalibre sa pamasahe dahil hindi na raw sumasakay yung laging nanlilibre sa akin. Wala na rin akong nakikitang post it sa mga upuan.

Lumipas ang mga araw na lagi kong inaasahan na sana sumakay sya ng makalibre ako ng pamasahe, short pa naman ako ngayon. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa libreng pamasahe kaya ko sya inaantay sa tuwing sumasakay ng bus o dahil na rin sa curious akong makita sya. Pero sa tuwing maiisip ko yun bumibilis ang kabog ng dibdib ko.

Simula din nun lagi na ko sumasakay ng bus nagbabakasakaling makita ko sya.

~~~~

Isang araw nakasakay na naman ako sa punuan ang bus.

Dahil sa biglang nagpreno ang driver muntikan na ako madala sa wind shield, buti nalang may nakahawak sa akin. Ay hindi lang hawak yakap pala. Tumingala ako para tignan kung sino nakayakap sakin.

Isang guwapong lalaki na nakangiti sa akin.

"Nice to see you again."

Huh? Nice to see you again? Nagkita na ba kami dati?

Bumalik lang ako sa realidad ng may bumaba at umupo kami doon sa bakanteng upuan.

Lumapit sa amin ang kondoktor na nakangiti ng malapad.

"Aba. Nagkakilala na rin kayo sa wakas."

"Kilala agad kuya? Hindi ko nga alam pangalan nya eh."

"Sorry, I'm Suho." Pagpapkilala nya

"And I'm..."

"Beatris Loyola." Pagpapatuloy nya. Shock naman daw ako. How did he know my name!?

Mukhang nabasa naman nya ang iniisip ko kaya pinaliwanag nyang nakita nya ang ID ko kaya nya nalaman ang pangalan ko. Buti nga raw at nakakasabay nya ako pumasok dahil matagal nya na raw gusto malaman ang pangalan ko at nung minsan nagkatabi kami kaya nya nalaman ang pangalan ko.

Nalaman kong magkapitbahay pala kami matagal na. Ang tanga tanga ko naman daw. Kapit bahay ko hindi ko kilala. Lagi raw sya gumagawa ng mga walang kuwentang bagay magpapansin lang sa akin. Tulad nung naglasing lasingan sya at sumayaw ng kung ano ano at kunwari may kausap sa telopono na nakikipag-away. Pero lahat daw yun epic fail lang.

"Eh bat ang tagal mong hindi nagparamdam?" Tanong ko.

Ngumiti sya ng nakakaloko.

"Ah I mean parang ang tagal mong hindi sumasakay ng bus? Hindi tuloy ako nakakalibre ng pamasahe."

"Ah. Binigyan kasi ako ng dad ko ng kotse, eh magtatampo yun kung hindi ko gagamitin, saka isa pa pangarap ko na talaga magkaroon nun."

"Ah."

"Lagi nga kita inaantay noon eh, gusto ko kasi ang unang makakasakay sa sasakyan ko ay ikaw, kaso ni minsan hindi ka man lang lumingon. Lagi kang nagmamadali."

Nakonsensya naman ako.

"Pero ngayon sa araw na ito. Napansin na rin ako ng taong hinintay ko noon pa man."

"At sa isang pagkakataon lumingon na rin sya sa akin, dahil doon nakita ko kung gaano kaganda ang mukha nya."

♥___♥

"Wait may isa pa akong tanong, paano mo nasabing ang boses ko ang paborito mong sound?"

"Ang cute mo kasi maghilik."

>//////<

One shots (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon