Chapter 1:"Panimula"

499 16 1
                                    

Introduction:

Start by....

Naalimpungatan ako sa lakas ng ingay sa labas lalong lalo na ang tunog ng karaoke na umalingawngaw sa loob ng bahay.

Alam ko namang si ate chinie lang yon, naman kong makapagpatugtog parang siya lang ang tao, aga aga dinaig pa ang musikero.

Nag unat na ako ng kamay saka nag flying kiss sa ere. Ganyan ang ginagawa ko pagkagising ng umaga "Good morning mama,good morning po papa" bati ko sa letratong nasa ibabaw ng table ko.

"Miss na miss ko na po kayo" malungkot na bati ko habang inaalala ang masayang alaalang kasama ko sila nung mga araw na....

"Haist..." kumawala muna ako ng malalim na buntong hininga. Mahirap man pero kailangan ko ng tanggapin. Kahit naman mahigit tatlong taon na silang wala ...

Parang sariwa parin sa alaala ko ang lahat ng pangyayari.

.buhay parin ang alaala nila, kong sabagay di naman kailan mawawala yon mananatili sila sa puso ko habang nabubuhay ako.

Tumayo na ako para sana tignan ang sarili sa salamin "Bwaahahhahhhh.... Bwahhhhhh.... Sino ka?" gulat na tanong ko ng makita ang sarili sa salamin.

Ang buhok ko? Grabe nagkabuhol buhol, ganun ba talaga katindi kong matulog ako? Haha grabe dinaig ko pa ang lobong pagod nito.

Paniguradong pag may makakita sakin, maamaze wahahhhh.... Amaze talaga? Weew... Baka mahimatay pa huhu...

Napatakip ako ng bibig ng makita ang oras... "Naku lagot, male-late na ako" tarantang tinungo ko ang banyo para maligo pero bago ang lahat gusto ko munang makilala niyo kung sino ako? Ehem..... I'm Mady Lean Santiago, 24 years of age at nakatira sa puso mo charutt lang syempre. Ito na talaga, totoo na to pramis! Krus my heart mamatay man sila! Dami ko sinabi, well, ako lang naman ang nag iisang maganda sa bahay namin dahil ako lang naman ang nakakalam.

I was working at Medines Groups of Empire na puro pabango at beauty products ang eneendorso. Madaming nagsasabi, ‘Bakit ako nakapasok sa ganun trabaho na pang magaganda at sosyal lang ang dating?’ well, pano nga ba?

Ganito kasi yan, sa paglipas ng mga panahon marami talagang nagbabago sa isang tao, at syempre own version ko yon may sarili kasi akong difination of life. Bakit ba? Paki niyo?.... Actually sa totoo, lang sa loob ng mahabang panahong nagtatrabaho ako sa kumpanyang yon unti-unti na rin akong binago ng panahon. Ewan ko ba kong bakit?

Pero hanggang ngayon nangangarap pa din ako ng isang tao na darating sa buhay ko na mamahalin at tatanggapin ako kung ano talaga ako sa likod ng pagkakamaling nagawa ko....


_ _ _

Siya ay isang mayaman at galing sa mga angkan ng kilalang tao, hindi lang dahil sa angking galing at talino niya kundi dahil sa perpektong hitsura at matikas na pangangatawan nito. Para sa kanya, no one can resists his charms, walang sinuman ang hindi maaakit at makakapansin sa taglay niyang kagwapuhan.


Ngunit pano kong dumating ang isang araw na magtagpo bigla ang landas nila ni Mady Lean na opposite lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang babae, magawa niya kaya itong tanggapin ng buong puso nang walang hinihiling na anumang kapalit?


_ _ _

Mady Lean Pov:

Pagkatapos kong maligo, mag bihis patakbo kong tinungo ang kusina para makapag almusal muna di ako sanay pumasok ng trabaho na walang laman ang tiyan.

Mamaya himatayin pa ako sa daan! Huwag na, dapat pakabusog muna ako.

Nagmadali akong umupo ng makitang may nakahain na pagkaen sa mesa, si ate chinie ayon busy pa sa pagluluto. Ang sarap sana nung niluluto niya kaso male-late na talaga ako.

"Ui, babae mamaya kana kumaen kitam nagluluto pa ako" sita ni ate natigilan naman ako sa pagsubo ng monay na pinalamanan ko ng hotdog at itlog.

"Ow, bakit ganyan ka kung makatingin? May muta ba ako?" dire diretsong tanong ni ate.

Grabe, minsan talaga natatameme nalang ako dahil sa pagiging direct to the point nito.

Ang sexy naman ni ate kahit simpleng short na maong at spageting damit lang ang suot. Lutang parin ang kagandahan ni ate.

Mapapa sana all ka nalang talaga.

Ang sexy niya at ang ganda niya, kuhang kuha niya rin ang hitsura ni mama "Ui, babae anong problema? Bakit parang tulali ka diyan?" enerapan ko lang si ate.

"Bakit ba ang dami mong niluto hu? Anong bang meron?" kinurap kurap ko ang mata saka ibinaling ang atensyon kay ate.

"Ang dami mong tanong, nag tootbrush ka na ba?" "Ate...?" inis na sabi ko "Bakit? Mali ba? Malay ko bang dika pa pala nag toothbrush tapos makipag usap ka.."

"Hey, watch your words naman, nag toothbrush na ako bago pa ako bumaba nuh! Sa banyo ako nag toothbrush gets mo?" masungit na sabi ko.

"Ok, sabi mo ee. Actually kaya madami akong niluto kasi mag cecelebrate tayo mamayang gabi nila cicil kaya dapat maaga kang uuwi!" tugon ni ate.

"Bakit naman?" "Kasi thanksgiving ko sa pagpayag mo kagabi sa pagpunta sa event at magpakilala bilang ako para makita si, alam mo na yon kong sino....."tinarayan ko lang si ate nung maalala ang pinagawa niya sakin kagabi sa event.

Nung di ako sumagot lumakad ito palapit sakin "You know what sissy, i'm so worried about u?" sabi nito nung makalapit while pouting her lips?

Kailangan naka pout?

"Bakit naman?" patay malisyang sabat ko, saka ko ulit sinubo ang tinapay nagugutom talaga ako, punong puno ang bibig ko sinadya ko yon dahil napipikon na ako kay ate.

Ang hilig kasing mambara, ok na... siya na maganda. Kainis. "Bakit nga?" pag uulit ko sa tanong. "Kasi nga puro pagkaen nalang ang laman niyang utak mo" "Kailan pa nagka pufff** kaen ang utak?" namumukol kong sabat.

"Lunukin mo nga muna yan bago ka magsalita kaya ka tumataba ee" dali dali ko namang inubos yon saka ininom ang pinneapple juice na gawa niya.

"Hayst, talaga lang napaka burara mo talaga nuh!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni ate "Di naman ako burara ah, ako nga nagliligpit ng mga kalat at..."

"Hindi yon ang sinasabi ko, shunga ka talaga. What i mean is, look at your figure..." "Ow? Ano namang mali sa katawan ko?" habang pasimple kong sinisipat ang sarili.

"Your so fat,dimo ba alam yon?" saka ito ulit bumalik sa pagluluto. "Nga pala sissy change your outfit gusto ko yong ayos mo kagabi" parang maluluwa ang mata ko sa narinig.

"Ate, parang mamatay na nga ako sa suot ko feeling ko mapopolmonia na ako sleeveless tapos hapit na hapit para akong pukpok nun ee."

"Tanga, yon ang stylish nga na parang manang na sa paningin ng iba bumabagay pa sayo pa kaya na maganda ang... Never mind, wag na pala baka makapangasawa ka ng maaga"

"Ate, bakit masama bang..." "Ok lang yang style mo, medyo baguhin mo lang kunti mukha kang manang ee" Pambihira talaga, ibang klasi puro magagandang puri ang sinabi ko, pero siya?

Wow! Nahiya naman ako ang lakas ng amats ng ate ko para laitin ako. Talaga lang hu' ako pa ginwang mataba, antay kalang kung lumaki ang tiyan mo paniguradong ikaw naman ang maiinggit sakin.

Haist... Ate talaga kaasar ka....

Kung nabubuhay lang siguro sila mama baka hindi mo ako na bubully nang ganito ngayon.

Haist, i really miss my life before! Pero ayoko nang balikan ang mapait na nakaraan. Kahit mahirap kailangan ko pa ring magpatuloy sa buhay. Aga-aga ang drama ko naman, kakainis!...

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now