Chapter 96: Pag-atake

34 1 0
                                    

Kean pov:

“Mady, mag ready kana lalabas tayo ngayon. May meeting tayo sa german ambassador.” paliwanag ko “Okay po sir!” she said without emotions. Alam ko namang lagi siyang ganun, kaso ang weird naman lalo ng kinikilos niya ngayo parang ang bigat ng problemang dinadala niya.

Mady, are you alright?” napatitig naman ito sakin na tila kababalik lang sa realidad “Kanina ka pa wala sa sarili, dahil ba yon sa pasyenteng inaalagaan mo?” hindi ako nakarinig ng anumang sagot mula rito, nanatili lang itong tahimik habang walang emosyon sa mukha “Okay, bring this laptop.” utos ko saka ako naunang lumabas habang nakabuntot naman ito na parang robot.

Wala manlang emosyon!
Tss. Tao ba talaga siya o allien?

Hanggang nakarating kami sa isang kilalang bar kung saan namin i-memeet ang german ambassador. “Ahm, sir bakit tayo pumasok sa ganitong lugar?” natigilang tanong ni Mady “Why? Don't tell me it was your first time na makapasok sa ganitong klasing lugar.” pabirong sabi ko “Hindi naman po, minsan na akong napunta sa ganitong lugar.” napahinto ako sa paghakbang saka seryosong napatitig sa kanya na halatang nailang naman sa naging reaksyon ko.

“Tinatanggap pala ang mga gaya mo sa lugar na to?” pilyo kong tanong “Ah...ahm, ano ho kasi b-birthday ni ng kaibigan ko non.” tila naiilang niyang sagot “Si Cicil ba?” saka ako humakbang ulit ganun din ito “Hindi ho, naalala niyo po ba si Millan? Yong girlfriend niya po ang tinutukoy ko.” “Millan?” napaisip ako sandali “Ah, yong lalakeng pinag drive ako pauwi when we stuck in Brent resort?” tumango naman ito, medyo maaliwalas na ang hitsura nito hindi gaya kanina.

Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano kahit paisa-isa lang ang sagot nito. Nag antay kami ng halos kalahating oras sa VIP room bago dumating ang hinihintay namin. “Diba dapat siya yong nauuna dito?” pabulong na tanong ni Mady na pasimpleng tinawanan ko naman “Hi! Ikaw ba si Kean Patrick of Medines Empire?” tanong ng lalake sa Italian word napatingin ako kay Mady dahil hindi ako sure kung tama ang words na naiisip ko.

“Tinatanong ka niya sir kung ikaw ba si Kean patrick ng Medines Empire?” saad ni Mady, ilang sandali akong natigilan diko kasi inaasahang maiintindihan niya ang sinabi ng lalake. Na kahit ako sa abroad ako ng aral never kong natutunan ang iba't ibang lenggwahe although nakakapagsalita naman ako ng ibang lenggwahe pero iilan lang.

Tama nga si Rebecca, matutulungan ako ni Mady para makausap ng maayos ang German ambassador.

“Yeah! I'm Kean Patrick, my pleassure to meet you sir?” saka ko nilahad ang kamay habang tinatranslate ni Mady Lean sa Italian word ang sinabi ko. Matapos niyang makipagkamay sakin, umupo na kami at ipinakita ko na ang mga produkto mg pabango na si Mady Lean mismo ng gumawa na nagustuhan ng ilan. Pag nagustuhan nito ang pabangong ginawa ni Mady Lean, saka ko siya ipopromote as Manager like what my grandpa said.

Isa-isang tinignan ang product sample na dala namin at isa-isang inamoy. “May anim na brand ng iba't ibang klasi ng pabango ang dala namin as sample, pwede kayong pumili sa kahit na anong magustuhan niyo. Limited edition yan sir, if you like the brand of perfume i give 20% discount in each 3pieces you buy. But if you only get one, i just give you the amount that limited brand prizes show on the dashboard below” sabay turo ko sa catalog at advertising brand na nasa laptop namin na kaming mga apo mismo ang model at endorser habang pinapaliwanag naman ni Mady Lean sa kanya ang lahat gamit ang lenggwahe nila.

“I like this one.” saka niya pinakita ang isang pabango na dapat ay hindi kasali. Natigilan ako sandali bago magsalita, dapat kasi ako muna ang mag t-try nong pabango if okay saka ko siya isasama sa listahan ng mga brand ng pabango na ilalabas namin. Yong ginawa ni Mady Lean lasts week, nakita kong ngumiti ito at excited na humarap sa German ambassador at ipinaliwanag ang lahat may kasama din itong isang lalake na sa tingin ko ay assistant din niya.

Matapos ang ilang conversation, isang malapad na ngiting pinakawalan ni Mady Lean nung humarap ito sa akin. Yong ngiting never ko pang nakita, marahil ay nahihiya siyang ngumiti dahil sa malalaking ngipin niya sa unahan. “Anong sabi niya?” untag ko, simula kasi ng piliin ng German ambassador ang pabango na dapat sa akin ay hindi na muli ako nakipag usap total di rin naman kami magkakaintindihan at tanging si Mady Lean nalang ang nagsasalita.

“Congratulations Mr. Mendez for having your secretary's wonderful proposal, here's the paper i sign. It's nice to be part of Medines cosmetics and perfume products.” para akong mag cocollapsed matapos niyang makipag kamay sa amin at naunang magpaalam.

Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng makuha ko ang approval nito ng walang kahirap-kahirap. “Sir, may problema ho ba? Hindi po ba kayo masaya sa natanggap na business proposal? I mean, payag na si Mr. Bean Beckham eexport ang produkto sa bansa nila.” napangiti ako sa sinabi ni Mady Lean saka ko ginulo ang buhok nito na ikinagulat niya.

“Thanks for your precious time to convince him. Without you i don't know what to do now lalo pa't marami na siyang ni reject na negosyo. Akala ko nga di niya tatanggapin ang proposal. Ano ba kasing inoffer mo at napapayag mo siya ng ganon kabilis?” natigilan ito, yong ngiting pinakawalan niya napalitan bigla ng kakaibang reaction. “Ahm, ang sabi ko po kasi sir sa kanya. Gagawan ko siya ng mas marami pa kaysa dun. Nagulat pa nga po siya tinanong kong ako daw ba ang gumawa ng pabango na yon? Sabi ko yong mismong boss ang gumawa dahil ganon siya la didicated sa work na ikinatuwa niya.” the time has authomatically stop when i heared her compliments na parang isang musikang paulit-ulit na nag p-play habang tinitignan ang paggalaw ng labi nito.

“Thank you!” the only words out from my mouth bago kami bumaba ng hagdan para sana lumabas, nauna ako at nakasunod naman ito ng biglang may isang lasing na lalake malapit sa may counter ang humila kay Mady. Sa sobrang bilis ng pagkakahila nito napaupo silang pareho sa mahabang upuan at nakapatong si Mady sa ibabaw ng lalake naikuyom ko ang kamao dahil nakita kong na exposed ang mga legs nito at yong kamay ng lalake nakahawak sa may bandang pwet nito.

Nagpupumiglas si Mady pero hinaharass na siya ng lalake kaya dina ako nakapagpigil nilapitan ko ito saka ko hinila patayo si Mady Lean na halatang takot na takot pero yong lalake nanghamon pa ng away kaya dina ako nag aksaya pa ng oras sinapak ko na ito ng malakas. Ayaw ko sanang patulan dahil mukhang bangag ito pero dahil ayaw ko ng may binabastos sa harapan ko lalo na ang mga babaeng walang kalaban-laban.

Palabas na sana kami matapos kong mapatumba ang lalake nung harangan kami ng apat pang mga lalakeng may malalaking katawan. Nakakagulat, dahil biglang nag iba ang hitsura ng paligid ng bar nung hinanap ko ang may ari, dun ko lang nakitang lahat ng staff kasama ang may-ari ng bar nakagapos malapit sa may counter.

Sunod-sunod na umatake ang mga lalake, inalagan ko naman kaya lang nakalimutan kong nasa likuran ko pala si Mady dahilan para tamaan ito at matumba buti nalang at nasa may couch siya natumba. Susugod na sana ako ng sunod-sunod na umatake ang apat, tumilapon ako sa direksyon ni Mady Lean, humahangos ako habang hawak ang labing sugatan.

Anong ibig sabihin nito?
Bakit may ganitong pangyayari?
Pero mas nakakagulat ang sunod na ginawa ni Mady sabay tawag sa kanya ng isang lalake ng “BLUE LADY?” na tila gulat na gulat pa.

Anong nangyayari?

_ _ _

Update:

Malapit na ba siyang mabuking ng boss niya?

Magawa pa kaya ang planong pagpapabagsak sa negosyo ng CEO para makapaghiganti sa lolo nito?

Excited kana bang malaman?
Gee...dali, samahan mo ako😊

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon