Chapter 99: Hoping

42 2 0
                                    

Mady pov:

Fast forward:

Lumipas ang mga araw, medyo kumikilos narin siya sa likod ng mga banta sa buhay namin kinailangan ko parin siyang itago sa isang pribadong hospital kung saan walang makakaalam na mga kalaban.
Wala na nga atang katapusan ang paghihirap kong to, sobrang tuwa na ang naramdaman ko nung mabalitaang may chansa na siyang bumalik sa dati pero bakit lahat ng masayang nararamdaman ko panandalian lang?

Ano bang naging kasalanan ko sa mundo para parusahan ng ganito?

_ _ _

“Doc, anong nangyari?” hindi ko alam kong anong mararamdaman sa mga sandaling to pero gusto ko paring malaman “Sorry to say, but the patient is commatose again.” Yon ang pinakaayaw kong marinig ulit!

Nanlumo ako sa narinig, pinilit ko namang maging matatag. Gusto kong umiyak pero bakit parang ubos na ata ng mga luha ko, bakit tila wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko.
“I'm sorry, sa kaso ng pasyente ganon naman talaga yon.” “Anong ganon talaga? Kulang pa ba ang binabayad ko sa inyo? Bakit di niyo gawan ng paraan?” gigil na sigaw ko habang hinahawakan ang magkabilang braso ng doktor “Bunso, kumalma kalang” pang-aalo ni kuya Richard nasa may likuran ko ito dahilan para mabitawan ko ang doktor.

Palakad-lakad ako na tila ba wala sa sarili “Sorry, we did our best ma'am” saad ng doktora “Best? Lahat na ba yon naibigay niyo na? Anong klasi kayo, kung tutuusin kaya ko siyang ipagamot sa ibang bansa pero nangako kayong gagawin niyo lahat para bumalik siya pero ano to?” muli ko itong hinarap, awtomatiko namang napahawak si kuya Richard sa mga braso ko para pigilan ako sa kung anong binabalak kong gawin.

“Baka kasi nabigla lang ang pasyente.” hindi ko alam kong nagbibiro ba ang doktor na to para sabihing nabigla lang? “Ilang buwan ng nakaratay ang kapatid ko sa walang kwenta niyong hospital bed para sabihin sa'king baka nabigla lang.? Anong klasing paliwanag yan?” gusto ko na talagang sumabog sa galit pero pinipigilan ko ang sariling hindi makagawa ng eskandalo lalo pa't hospital to ni Lavinia Carpio, ngunit kahit nandito kami wala siyang alam na ako to o ate ko ang matagal na pasyente ng hospital nila lalo pa't ‘Smith’ na ang ginamit kong apelyedo para hindi ito mag isip na may koneksyon ang pasyente nila sakin. Hindi naman ganun kadaling makilala ang kapatid ko lalo pa't malaki ang binagsak ng katawan nito at parang wala na ngang buhay kung titignan lang.

Nakakaawa, pero ayokong mamaalam ito ng ganun-ganon nalang. Alam kong kabaliwan na itong naiisip ko dahil kahit saang tignan malabong maging okay pa ang ate.

“Kung ibang tao lang sana siya baka hinayaan ko na siyang manahimik sa kabilang buhay pero pag naiisip ko yon para naman akong pinapatay. Ayokong matapos lahat ng pinaghirapan ko ng dahil lang hindi ko siya kayang iligtas at mas piniling i give up nalang kahit yon ang nararapat still ayoko paring gawin.” yon ang kusang lumabas sa bibig ko na parang wala sa sarili.

“Ma'am, talk to me when you were in good condition” akmang tatalikuran niya ako ng pigilan ko.
“Diritsuhin mo ako kung may magagawa kayo o wala hindi yong parang nagtatapon lang ng malaking halaga sa mga tulad niyong walang kwenta.” buntong hininga itong humarap sakin “Ma'am–” “At talaga bang secured ang place na to para sa kapatid ko?” kumunot ang noo nito na tila naguguluhan “Bakit nabalitaan kong may hindi kilalang taong nakapasok at tinatanong kung may pasyenteng naka admit dito na kamag-anak ko o ako?” namutla ito sa narinig.
“About diyan ma'am, ipapa asiko ko po sa mga staff kung bakit sila naglalabas ng impormasyon sa iba.” tila takot nitong sabi. “Dapat lang” cold kong sagot, paulit-ulit naman itong humihingi ng dispensa.

“Sa susunod huwag na kayong magbibigay ng impormasyon sa ibang tao. Nagbabayad ako ng malaking halaga para lang masigurong ligtas ang kapatid ko. At higit sa lahat pinagkakatiwalaan ko ang hospital na to lalong-lalo kana.” napalunok ito ng sunod-sunod dahil sa kakaibang reaction na pinakita ko.
“Gawin mo ang lahat ng makakaya mo, siguraduhin mong tamang ikaw ang kinuha ko para sa kapatid ko. Makakaasa ba akong hindi masasayang ang tiwalang binibigay ko kagaya ng halagang binabayad ko sayo?” serysoso kongabi habang tinititigan ito sa mata.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now