Chapter 100: Missing target

44 3 1
                                    

Mady pov:

Bumaba na ako ng taxi para makapang groceries na muna. Nakatanggap ako ng balitang magkakaroon ng engrandeng handaan ang pamilya ng mga Medina Family para sa birthday ng Chairman at naisip naming ilabas ang baho nito sa mismong birthday niya pero mukhang nakaamoy ang luko, imbis na engrande naging simpleng salu-salo nalang ang magaganap at mga imbetadong kamag-anak o pamilya lang ang pwedeng dumalo.

Iniisip ko pa kung paano  makakarating para masiguradong magkasabwat din na sila ni Grace o hindi. Masyadong mailap si Charman Alfonzo Medina. Kahit gaano pa siya katinik, sakin parin ang matinding hagupit. Pinagkatiwalaan niya ako sa isang posisyong hindi ko inaasaha. Ang ma promote bilang isang Manager, pero sinabi ni kean na I'm still his P.A. na sinang-ayonan ko naman. Si Manager Ong isa na ring promoted supervisor ngayon.

Ang swerte nga naman parang ulan, after the rain may magandang rainbow na lalabas kasunod ng napakagandang sikat ng araw. Matapos kong mabalitaang commatose uli'y ang kapatid ko mas lalo naman akong nakahanap ng pagkakaton na makapasok sa mundo ng mga kaaway ko.

Welcome to my world, Alfonzo Medina.

Nagilan ako nung may makita akong babae na nasa 40's na kung hindi ako nagkakamali. Papasok sana ito ng mall at kababa lang nito sa isang napakagarang kotse, di paman ito tuluyang nakakapasok sa loob ng mall may isang lalakeng mabilis na tumatakbo sa direksyon niya at sa isang iglap lang nasa mga kamay na ng lalake ang mamahaling bag na bitbit ng ginang.

Nanatili akongnakatayo sa kinatatayuan ko, nag antay ako kung may susunod na hahabol sa magnanakaw pero mukhang wala itong kasama dahil tanging siya lang ang humahabol habang sinisigaw, “Ang bag ko, magnanakaw” halos mangiyak-ngiyak ng babae at tila pagod na pagod na kakahabol, halos mapa upo na ito sa sahig habang hawak ang dibdib na tila naghahabol ng hininga.

Hanggang sa mapansin kong may ilang lalakeng humahabol sa magnanakaw, inisip kong baka maibalik na ang bag ng babae pero mukhang mali ang inisip ko. Dahil, mukhang nagpanggap lang silang tutulong, imbis na harangan nila ang magnanakaw nakita kong hinagis niya ang bag sa isa pang lalake saka nila ito pinagpasa-pasahan para malito ang humahabol sa magnanakaw.

At nangyari nga yon, dahil yong mga rumirespondeng mga pulis at ilang kawani ng baranggay ay nalito narin. Tanging sinusundan nila ang taong unang humablot sa bag ng babae at nung maabutan nila ang magnanakaw pinagpapalo nila ito mg batuta pero wala na sa kamay nito ang bag na depensa naman ng magnanakaw na ihagis niya kung saan baka daw tumilapon sa basurahan which is not true.

Nasa di kalayuan lang naman ako habang sinusundan ang mga magnanakaw na mukhang pinaglalaryan ang ginang. Napamura ako ng mahina dahil sa pagpapalusot ng magnanakaw. Sarap upakan!

Nakita kong paliko ang tunay na may hawak ng bag nung makitang naligaw ang mga nag responde at na busy sa lalakeng tudo deny na hindi siya magnanakaw na mukhang kasabwat niya ang isang ugok na to na balak pa atang tumakas. Nilapitan ko ang ginang saka ko siya sinabihanv wag mo na siyang aalis,halatang nagtaka ito sa biglaang pagsulpot ko pero sinabihan ko siyang susundan ko lang ang magnanakaw.

Tumakbo na ako pero dinig ko ang boses nitong takot at paulit-ulit na sinasabing wag na at baka mapahamak lang daw ako pero di ako makinig ayaw kong magsayang ng oras. May nakasalubong akong lalake na may motorsiklo at parehong direksyon ang dapat pupuntahan namin. Nakita ko kasing pumasok ang kasabwat ng magnanakaw sa maliit na pasilyo.

Nag isip ako ng pwedeng gawin, at nung makita ang lalakeng may motor na bumaba para bumili sa mapalit na tindahan mabilis kong sinakyan ang motor nito saka mabilis na pinatakbo. Nagsisigaw pa ito at pinapabalika ang motor niya pero sinabihan ko siyang hihiramin ko lang sandali. Masyadong masikip ang pasilyo pero wala ng ibang tatakbuhan ang kasabwat ng magnanakaw kung ma c-corner ko siya.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now