Chapter 79:Reunion

36 1 0
                                    

Other person:

Lahat kami nasa venue na,si Red Chimni na ang nagsimula ng usapan. “As a Co-Founder of this society. I would like to inform you that Gray phantum will be now our new founder!” masiglang pagpapakilala niya kay Gray phantum, halos lahat ng nandito ay sumang-ayon maliban sa mga loyal kay Blue lady. “Teka, pwede na palang mag nominee ng taong papalit sa founder kahit wala dito?” biglang singit ko. Lahat sila nabaling ang tingin sakin “Ow? Look who's talking? A gate crasher? Akala ko ba bawal ang mga out sider dito?” natawa ako ng mahina sa sinabi ni Red Chimni.
I step towards to Gray Phantum "Nakalimutan mo ba kung saan nagmula ang pangalan ng organisasyong to? Hindi ba't samin ni Gray phantum. Kung inonominee mo siya, why should i never?" natawa ng mahina sila Lavander katabi nito si Orange cocktail at ilang members na loyal kay Founder.
“At bakit kailangamg inomenee ang isang tulad mong matagal ng umalis sa grupo?” gigil na sabi ni  Red Chimni. “Well, dahil yon ang dapat. Kung sino ang papanig at buto sa kanila then you will go there, pero papalala ko lang sayo Red chimni hindi mo pa napatay ang founder kaya wag kang pakakasigurong ang ex niya ang papalit sa mismong pwesto niya, for sure mas nanaisin pa nong mamatay muna siya bago makuha ng iba ang pwesto niya. Don't you remember?” natameme ito sa narinig, nilibot ko ang paligid walang may gustong magsalita.
“Pakialamero ka talaga kahit kailan.” nangangalaiting sigaw ni Red Chimni. “Bakit pa kasi pinapapasok ang mga hindi invited at matagal ng umalis sa grupo na to! Asan ba ang manager ng hotel na to? Bakit nagpapasok sila ng hindi kasali sa reunion ng organisasyong to?” may ilang di mapakali para sana lumabas at isumbong ako ng agawin ko ang microphone na hawak nito.
“Kung pakialamero ako, anong tawag mo sa sarili mo? FEELINGERA?” ngising sambit ko, “Walanghiya ka, ang kapal mo.” akmang sasampalin niya ako nung pigilan siya ni Gray phantum.
“Ow? Look who's her savior, the traitor and betrayer of the group?Ayos ah' akalain niyo yon mas kumapal pa lalo ang mukha niyo matapos ang panluluko niyo? Ibang klasi, believe na ako sa inyo.” panunudyo ko habang tinatapik ang balikat ni Gray phantum na mukhang badtrip na tapos tinawanan pa sila ng ibang members.
“Masyado naman kayong hot, nagsisimula palang tayo nag aapoy na kayo agad? Hmp...naku mahirap yan, baka mamaya wala na kayong laban niyan . Sayang may hinanda pa naman kaming surpresa sa inyo.” “Anong surpresang sinasabi mo Black dragon?” tila galit na tanong ni Red chimni “Surpresa nga diba? So, why would i tell?” natawa ang ilan, hitsura naman ni Red Chimni parang sasabog na sa sobrang galit.
“What is your problem gate crasher?” maldita nitong tanong “Ow' gate crasher daw ako? Sino kayang totoong gate crasher dito?” hindi ito nagsalita, mukha na gets niya ang sinasabi ko.
“Can't you see,lahat ng nandito ngayon nakasuot ng eye mask at bawat isa satin may card tama ba? Naalala mo pa ba kung bakit mayrong card ang bawat member CO-FOUNDER?” she cross her arms, kahait may suot itong mask sa mata nahahalata ko parin ang pagkaereta nito sakin.
“At yong card na hawak natin registration for those members na allowed lang makapasok sa venue ng isang sikat na Hotel VIP room na pang japanese na pag-aari din mismo ng pamilya ng Founder na si Blue lady tama ba? So, sa tingin mo sino satin ang gate crasher?” panghahamon ko “I don't know, all i know you will be the best gate crasher, na kahit walang invitation dadalo parin. Makapal talaga ang mukha” mataray na sabi nito na umalingawngaw sa loob ng VIP room dahil nasa kanya na ulit ang microphone. Magsasalita na sana ako ng biglang...“Sino kaya sa tingin mo ang makapal ang mukha?” lahat kami napatingin sa bumukas na pintuan. Niluwa mula dun ang mala ninja ang totoong ayos ng isang assasin, napatanga ang lahat sa nakita. Siguro nga gaya ko hindi ko rin eneexpect ang pagdalo nito. Napangisi ako habang pinagmamasdan ito.Mukhang handa na siyang harapin ang lahat....

_ _ _ _

Mady pov:

Papasok na kami ng hotel ng matanggap ko ang video clip na pinasa ni Lavander sakin, naglalaman dun na nakikipagbangayan si Black dragon kay red chimni para hindi mapunta ang pwesto ko kay gray phantum. “Mga traydor” gigil kong sabi, nakasunod lang ang mga body guards ko, pag aari ni uncle Roi ang hotel na to kaya secured kami at walang makakapasok basta-basta maliban nalang kung may magpapasabog ng bomba.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon