Chapter 113: Matinding selos

32 2 4
                                    

Mady pov:

Natapos ko na ang report ni Kean at wala ngayon si Cicil dahil may sakit si Aunte Laura mama ni Cicil. Nagmadali na akong tapusin to para kaagad na maipasa, nagulat ko ng pagpasok ko sa opisina ni Kean yakap niya si Ms. Ong habang humahagulhol ito ng pag iyak. Mas lalo pa akong napatanga ng iharap niya ito sa kanya habang hinahawaka ang magkabilang pisngi at parang batang pinaparahan niya ito. Para akong naistwa sa kinatatayuan ko.

Nanadya ba talaga siya?

Yum naman, hindi ko na kaya yong bigat na nararamdaman ko. Matagal ko na sana itong gustong aminin sayo kaso walang time. At ngayon lang ako nagkaroon ng oras para masabi to. Natatakot akong mabuntis, hindi pa ako handa.” Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Mabuntis? Aba't gago tong lalakeng to akala ko si Grace lang ang karibal ko pati rin pala si Rebecca?


Ang kapal ng mukha!

“Shsss....i said tama na, magiging okay rin ang lahat magtiwala kalang.” pag comfort ni Kean habang tinutuyo ang luha ni Ms. Ong. Hindi ko alam kong nanadya ba silang dalawa, alam naman ata nilang nandito na ako at nakatanga sa sweetness moment nilang nakakaumay sana manlang kahit kunti nagkaroon sila ng kahihiyan. Sa totoo lang, sobra ng bigat ng dibdib ko.

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat, kaya pala sobra silang clossed sa isa't isa dahil may relasyon din pala sila at nililihim pa talaga nila yon hu' ang kakapal ng mga mukha.

Yum, alam mo talaga paano ako patahanin pero diko maiwasang hindi maiyak, nasasaktan talaga ako. Hindi ko alam kong bakit? Ang alam ko lang, palagi niyo nalang akong pinapaiyak. Yong pagiging sweet at caring mo sa akin na sana ganun din siya sakin kaso hindi eh ikaw lang ang nagparamdam ng ganito kaya nasasaktan ako. Kulang pa ba ang pagmamahal ko? To the point na kailangan akong masaktan ng paulit-ulit?”  parang binuhusan ako ng malamig na malamig na tubig sa mga narinig mula kay Ms. Ong. Ramdam ko ang bawat salitang pinapakawalan nito, alam ko kung paano masaktan at ganon din ang pakiramdam ko sa mga panahong nakikihati ako ng pagmamahal mula sa kanya at hindi lang pala ako nag-iisa ngayon pari rin pala ang dating Manager na ngayo'y promoted na as supervisor ay  nabiktima rin pala ni Kean.

Hindi ganyang Kean ang inaasahan ko, dahil hindi siya ganyan nung una ko siyang makilala.

Hui ikaw...” pareho silang napalingon sa direksyon ko. Pakiramdam ko sa mga orad na to umakyat lahat ng dugo ko sa paa at wala akong ibang gustong gawin kundi ang pahirapan siya sa mga kamay ko.
“Talaga bang ganyan na kayong mga lalake hu? Wala kayong ibang gawin kundi ang saktan at abusuhin kami at gamitin ang alam niyong kahinaan namin mga babae?” sabay hampas sa braso ni kean na ikinagulat nilang pareho.

“Ano bang....” “Dito ka sa may likuran ko Ms. Ong ako ang bahala sayo.” pagtatanggol ko sabay hila sa kanya “Wala na ba kayong ibang alam gawin kundi ang manakit at mang-iwan ng babae hu?” sunggab ko “Ganyan na ba talaga kayo, papaibigin niyo tapos pag nahulog na sa inyo saka niyo naman bibitawan at ang mas malala kailangan niyo pang buntisin? Bakit anong tingin niyo sa aming mga babae hayop na basta niyo nalang bubuntisin at pwede niyo iwanan nalang ng basta-basta hu?” matapang na sigaw ko habang nakikipagtitigan ako sa mukha nito.

“Mga manluluko” muli ko na naman itong pinaghahampas sa braso na tudo ilag naman “Ano bang problema mo? Nasisiraan ka na ba ng bait? Pwede bang tingilan mo na yang ginagawa mo nasasaktan na ako baka makalimutan kong babae ka.” hinawakan niya bigla ng mahigpit ang kamay ko pero nagpupumiglas parin ako “Ang kapal ng mukha mo. Akala mo kung sino kang gwapo. Wala ka namang ibang alam gawin kundi ang magyabang.” singhal ko.

“Tama na sabi, pag hindi ka tumigil papatulan na kita.” saka niya tinutok ang kamao sa mukha ko na halatang napipikon na pero pinigilan naman siya ni Rebecca. “Wala kang puso, mang gagamit ka at manluluko.” pangdidiin ko “Ano bang pinaglalaban mo hu? Kung broken hearted ka huwag mo akong idamay, at huwag mo rin akong huhusgahan dahil dimo naman ako lubos na kilala.” napatanga ako sa narinig.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon