Chapter 69: Spying

40 1 0
                                    

Mady pov:

"Good morning din po ma'am, kaen na po kayo." saad ng babaeng halos kasing edad lang ni Mang Edgar. "Salamat po, tara po kaen na din po kayo." masiglang alok ko "Hui, sinong nagsabing sasabay kang kumaen sakin?" napatingin ako sa direksyon ni sir "Bakit hindi?" kunwari hindi ako apektado "Pag kumakaen ang gwapo bawal makisabay ang panget na katulad mo." saka ito umupo na parang walang nangyari.

Natawa nalang sila Mang Edgar nung makitang nilagay ko ang dalawang kamay sa ulo ko na parang style demonyo saka ako nilabas ang dila habang nakatalikod ito. Napansin ata ni sir kean na may ginagawa ako sa likuran niya kasi napatingin ito sakin. "Aist, kumaen kana nga. Baka mamaya ano pang mangyari sayo problema ko pa." natawa nalang ng mahina sila Mang Edgar. "Kahit dimo sabihin kakaen talaga ako." saka ako nagmadaling umupo. "Alam ko, ang mga gaya mong panget wala talagang hiya." diko siya pinansin bagkus ang dinamihan ko ang pagkaen saka sunod-sunod na sinubo. "Dahan-dahan ka nga. Napaka clumsy mo talaga" saway nito pero diko siya pinansin alam ko ng epal talaga si sir. "Wow...Ang sarap naman po ng luto niyo Misis..." "Layla, tawagin mo nalang akong Layla ma'am" nakangiting sambit nito. Nginitian ko din ito bilang ganti.

Nagpaalam ang mag-asawang pupunta muna sila ng bayan para bisitahin ang pinsan ni Mang Edgar na may sakit. Pinayagan naman sila ni sir ng hindi manlang binabalingan ng tingin sila Mang Edgar. Palabas na sila ng kusina ng may maalala ako, habang tinititigan ko kasi ito parang may nakikita akong kahawig niya. "Ahm....misis Layla, nagkita na po ba tayo?" pare-pareho pa silang natigilan nila sir "Hu? H-hindi pa po ata ma'am" tinitigan ko siya ng mariin sa mata, pababa lumakas bigla ang kaba sa dibdib ko ng marecognized kong sino siya. "Misis Layla, may anak po ba kayo?" hindi agad ito nakapag react. Ilang minuto na kaming nagkakatitigan ng basagin ni sir ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni misis Layla "Lahat ba talaga kakaibiganin mo hu? Paano mo naman nalaman na may anak siya? Siguro nakikinig ka sa usapan namin kanina nuh?" "Hindi ah' parang kilala ko kasi siya. Ahm..misis Layla ako po pala si..." "Tama na nga yan, umalis na kayo manong Edgar mag iingat kayo sa daan" pagpuputol ni sir napaerap nalang ako. "Siya nga pala, yong cellphone ni Mady full charge na ba? Pakidaanan naman po salamat!" pahabol na sabi ni sir bago tuluyang naglaho ang mag-asawa.

"Akala ko ba tinapon niyo na ang cellphone ko?" biglang singit ko "Ganon na ba ako kasama? Hu? At saka bakit ba ganyan ang suot mo may damit pambabae dun bakit di yon ang sinuot mo? Tignan mo nagmukha ka tuloy ....aist ewan ang laswa mo talaga tignan" saka ulit ito sumubo ng pagkaen, hindi ko alam kong paano mag rereak mukha siyang galit na ewan. Shunga talaga tong lalakeng to minsan di maitimpla ang ugali.

_ _ _

Matapos naming kumaen, lumabas na bigla si sir. Naglinis muna ako ng kusina kahit ayaw niya dahil gusto niyang samahan ko siyang maglibot sinabi ko nalang na susunod nalang ako. After kong makapaghugas at masigurong malinis na ang kusina. Nagpahinga muna ako sandali, saka ko tinawagan si Cicil pero di parin sumasagot. Napabuntong hininga nalang ako, lalabas na sana ako ng bigla akong makatanggap ng text message.

.

.

.

From: Lavander

-"Alam na namin ang exact location niya magkasama kami ngayon ni Orange Cocktail, nasa labas kami ng apartment ni Red Chimni. Update kita pag may nakita akong kakaiba sa kilos niya. Mag-iingat ka alam kong may nakabuntot parin sayo. kanina kasi nasundan ko si Gray Phantum at nakita ko siyang kinausap si Red chimni sa loob ng kafeteria." napabuntong hininga ako bago ko i-deal ang number nito.

"Hello Lavander, buti nalang nasundan mo si Gray phantum. Sinundan niya ako nung isang araw sabi ko na nga ba't may connection parin siya kay Red chimni. Di parin talaga sila nagbabago." gigil na sabi ko sa kabilang linya habang nakakuyom ang kamao. "Anong nangyari? Sinaktan ka ba?" "Hindi, salamat sa update. Baka bukas pa ang balik namin ng maynila. Out of the country kami ngayon ng boss ko." paliwanag ko "Eh, founder pwede bang magkita tayo pag nakabalik ka may nalaman ako tungkol sa boss mo may koneksyon din siya kay red..." "Mady? Are you done?" pinatay ko agad ang tawag saka ako nagmadaling mag iwan ng mensaheng tatawagan ko nalang sila ulit dahil dumating ang boss ko.

"Kanina ka pa ba tapos?" makapigil hininga ang ginawa ko para di lang ni sir mapansin ang pagkabalisa ko. Nilibot niya ang paningin sa paligid. "Halika, samahan mo ako." nagulat pa ako sa ginawa nito, sa unang pagkakataon, hinawakan ni sir Kean ang kamay ko saka ako inakay palabas. Hindi ko alam kong papaano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ngayon para akong matatae na iwan. Feeling ko may kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko pero si Sir parang wala lang sa kanya, hinila niya ako palabas na parang walang nangyari.

Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya, kailangan ko lang siya para makapaghigante hindi para mahalin......

_ _ _

Kean pov:

Kanina pa ako nag-aantay sa labas, wala parin si Mady. "Akala ko ba susunod siya?" akmang papasok na ako ng biglang tumawag si Grace "Babe where are you?" untag nito sa kabilang linya "Ang sweet mo talaga, ganyan mo talaga ako lambingin?" awkward na sabi ko, pinilit kong ngumiti kahit medyo dissapointed ako di kasi yon ang eneexpect kong sasabihin niya sa unang tawag niya. "Ahm...sabi ni rebecca out of town ka raw? Bakit dimo sinabi? Sana naman nakasama ako kahit papano." may halong paglalambing na sabi nito "Biglaan lang kasi babe eh." sagot ko "Ganon ba? Di bale, pwede bang pagbalik mo. Pwede bang dito ka matulog kasama ko." di ako umimik "I don't want to hear NO for an answer. I love you!" pagkatapos niyang sabihin yon binabaan na niya ako.

"Haist, did i say I LOVE YOU TOO?" inignora ko nalang ang nararamdaman ko ngayon, bumalik ako sa loob para palabasin si Mady na mukhang ayaw makisama sakin. Nasa kusina ito at nadatnan kong nagpupunas ng mesa. Nilibot ko ang paningin habang tinatanong ito mukha kasing nagulat ito ng makita ako o baka naman dala lang ng pagod kaya ganon ang hitsura niya. Hinila ko nalang ito palabas, mukha kasing malungkot na naman ito.

Bakit ba siya ganyan? Bakit niya iniisip na pasan niya ang mundo to act that way?

_ _ _

Authors note:

Lasts na story na muna to kasi baka ma busy ako sunod na araw. Mahirap pagsabayin ang online class sa work online kaya minsan nalang ako nakakapag-udd. Hope you understand.

Madami pang kaganapan, tutok lang ako bahala sa karugtong😃😘

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now