Chapter 31

90 23 29
                                    

Diana's P.O.V.

Hindi ko na kaya. Nakokonsensya na ako sa bawat araw na lumilipas na hindi sinasabi kay Zhyna ang mga nalalaman ko. Feeling ko pinagtataksilan ko na siya.

Arg!

Napasabunot ako sa sarili habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Zhyna ang lahat.

Nahihirapan ako mag-isip. Bahala na nga.

I'm currently at my office. Nakakapagod pala ang ganitong trabaho. Takbo dito, takbo roon ang ginagawa ko para lang maagang matapos sa mga pinapagawa ng mga senior ko.

Malapit ko na rin matapos ang mga menu na gagamitin namin for the opening ng restaurant at kailangan talaga namin matapos na lahat ng mga kailangan namin matapos. Ilang months na lang ay magbubukas na ito.

Bakit kasi naisipan ko pa magtrabaho?

Anyway, hindi pa kami nagkikita ni Dave ng buhay ko! Sobrang miss ko na siya.

Instead of magmukmok I called my Dave. Matagal bago niya nasagot ang tawag ko.

"Hi, babe. I'm sorry, hindi ko napansin na tumatawag ka." Napabuntong-hininga siya sa kabilang linya.

Ngumiti naman ako dahil sa panghihinayang niya na hindi agad nasagot ang tawag ko. "It's okay, babe. Na-miss lang kita kaya kita tinawagan." Tska ako humagikgik.

"I love you."

"I love you too," I replied.

"Babe, I need to hung up this call. Mag-start na meeting namin. Bye. See you," pabulong niya 'yon sinabi sa kabilang linya at halatang nagmamadali. That's why I don't have any choice to say good bye to him.

Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang lahat ng mga kailangan kong gawin ngayon.

Yayayain kong lumabas si Zhyna mamayang gabi, sasabihin ko na sa kaniya ang alam ko.

Buong araw tinuon ko lang ang atensyon ko sa trabaho. Thankful naman ako dahil nagawa kong makapagtrabaho ng mabilis at maayos.

Kaya minsan ayaw ko magtrabaho, e, nagiging flexible ako.

Habang naglalakad ako sa hallway ng building biglang nag-ring ang phone ko.

Si Zhyna!

"Hello, Zhy," nakangiti kong bati sa kaniya ngunit may halong kaba.

"Diana, let's go outside. Inom tayo."

Aba, nag-aaya na siyang uminom ngayon. Huling inom ata namin dalawa last two months pa. Magsasalita na sana ako para pumayag sa paga-aya niya sa akin nang bigla kong makita si Ms. Chu na nagmamadali sa paglalakad pasakay ng elevator. May kung anong nagsasabi sa loob ko na sundan ko siya.

Arg! Ito na naman. Ano ba self! Susundan mo na naman ang bruhildang 'yon? Pero imbis na pigilan ang sarili ko ay mabilis akong nagsalita sa phone.

"Zhy, pasensya na, bawi ako next time sa'yo ha, I need to do something lang. Promise, treat ko," nanghihinayang na sabi ko sa kabilang linya.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga. Binalewala ko iyon at mabilis kong pinatay ang linya namin dalawa at binigyan ng atensyon itong si Ms. Chu. Mabilis akong sumakay sa ibang available na elevator nang hindi siya maabutan doon.

May parte sa akin na gusto pa na magkaroon ng iba pang impormasyon. Baka sa muling pagsunod ko kay Ms. Chu ay mabigyan na ako ng mas malinaw na dahilan.

Pasikreto ko siyang hinahanap nang saktong paglabas ko ng elevator ay siya rin paglabas niya. Dahan-dahan akong naglalakad ngayon sa likuran niya at sinisikap na huwag makagawa ng kahit na anong ingay na magiging dahilan para mapansin niya ang presensya ko. Pero mukhang malakas ang kaniyang senses.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon