Chapter 9

290 187 115
                                    

We end up our meeting na ang lahat ay excited para sa project namin.

"So what do you think?" pagtatanong ko kina Diana and Ms. Chu. Nananatili pa rin kami nandito sa conference room habang ang mga nakasama namin ay nakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho.

"That was great, Zhy! Na-e-excite ako for this project!" masayang wika ni Diana.

Tiningnan ko naman si Ms. Chu at hinintay siyang magsalita.

Lumipat-lipat pa muna ang tingin niya sa aming dalawa ni Diana. "Okay lang." Mataray pa rin ang tono ng boses ni Ms. Chu.

"Good. I need both of you for this project," sabi ko sa kanila habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa mga daliri ko.

"Of course, alam namin 'yon, Zhy. Ano ba!" Tumawa nang malakas si Diana. Tiningnan ko siya nang seryoso. Mahilig talaga niyang gawing biro ang seryosong usapan.

"Akala ko ba ayaw mo akong makatrabaho?" mataray na panunumbat sa akin ni Ms. Chu.

"Kalimutan mo muna ang pinag-usapan natin tungkol do'n. Okay lang kung ayaw mo. Pwede naman akong humanap ng ipapalit sa'yo," matapang na sabi ko.

"Whatever, Ms. Montejo." Tsaka niya kami inismiran. Si Ms. Chu kahit kailan ang galing mang-inis, hindi ba? Mabuti na lang talaga nasa mood ako ng pagpipigil ng inis. Kaya pinili ko na lamang na habaan ang pasensya ko.

"Inaasahan ko kayong dalawa para rito. Let's take a side muna yung mga hindi natin pagkakaunawaan and let's work professionally," seryosong wika ko habang tinutukoy ang mga hindi magandang pakikitungo sa isa't isa.

"Tss!" dinig ko mula kay Diana na halatang hindi maiiwasang mainis dahil sa presensya ni Ms. Chu.

Tinaasan naman ni Ms. Chu si Diana ng kilay dahilan para humirit pa siya lalo. "Excuse me?"

Mabigat na buntong hininga na lang ang ibinigay ko sa kanilang dalawa.

Titigas ng ulo!

"Why not asking for a help from my boyfriend kaya?" suggestion ni Diana tila nabuhayan ng sigla.

"Nakakasiguro ka ba na may maitutulong 'yon?" nagdududang tanong ni Ms. Chu.

Halata na namuo na naman ang inis sa mukha ni Diana. Abala kaming lahat para sa proyekto. Bawat minuto ay ito ang tangi namin ginagawa.

"Excuse me? My boyfriend is better than in anyone, no." Pagtatanggol naman ni Diana sa boyfriend niya. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ibinaling niya sa akin ang paningin at nagsalita, "Zhy, remember yung best friend ni Dave? Yung may-ari ng resort sa Angeles?"

Napakunoot ako ng noo. "What about him?"

Namuo ang mas lalong pagka-excite sa muka ni Diana nang biglang may naalala. "I heard from Dave na taga-iloilo yung best friend niya. Nakalimutan mo na ba? Let's ask for his help. Baka malaki ang maitulong niya sa atin."

"At anong klasing tulong ang pwede niyang gawin para sa atin?" pag-uusisa ni Ms. Chu.

Napabuntong-hininga naman si Diana na tila nakukulitan sa amin dahil hindi namin makuha ang punto niya. "Look, tingin ko kilala siya sa lugar ng Iloilo dahil isa siyang negosyante. Pwede rin na mas lalong mapadali ang trabaho natin do'n because of him."

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon