Chapter 12

286 158 96
                                    

Zhyna's Point of View

Bagama't puyat ay sinikap ko pa rin gumising ng maaga dahil sa appointment ko sa mga engineers and architecture. Kailangan ko makita ang isinasagawang structure ng branch namin.

Nagising na lang ako nang wala ng kasama dito sa kwarto.

Pumunta ako ng dining room at gulat na sumalubong sa akin ang apat na kasalukuyang kumakain.

Nasaan ang iba?

"Kayo lang?" pagtatanong ko sa apat na kumakain ngayon.

Si Zintony ay katabi si Ms. Chu na parang walang pakialam sa mundo at si Diana na katabi ni Dave na kulang na lang langgamin sa sobrang ka-sweet-an nila sa isa't isa.

"Oh, Zhy! Goodmorning!" energetic na bati sa akin ni  Diana.

Napapikit pa ako dahil sa lakas ng boses niya. Tsk.

"Goodmorning, Zhy," bati sa akin ni Dave. Sinusubuan nila ng pagkain ang isa't isa. Hindi ba sila nahihiya sa iba pa nilang kasama?

Hinihintay kong batiin ako ng dalawa kaso walang salita ang lumabas sa bibig nila.

"Good morning din," nakangiti kong bati rin.

Nahagip ng mata ko ang nakatingin na si Zintony, tila pinagmamasdan ang mukha ko na siyang nagpakunot ng noo ko. Agad niya rin naman itong iniiwas at salit-salit naman ang ibinibigay na tingin ni Ms. Chu sa aming dalawa ni Zintony.

Naalala ko tuloy kung paano ireto sa akin ni Dave 'tong lalaki na 'to. Namuo agad ang hiya ko sa naisip. Hindi ko akalain na maiisip ko 'yon sa harapan niya. 

Umupo ako at kumuha ng pagkain na nakahain sa lamesa. Pare-parehong cereals ang nakahain kasama ng fresh pineappple juice.

"Nasaan ang iba? Kumain na ba sila?" Tiningnan ko si Diana para siya ang sumagot sa tanong ko.

"A-ah? Oo. Kanina pa, Zhy. Nasa Molo na nga sila ngayon, eh," wika niya.

"Paano sila nakarating sa Molo?" tanong ko nang may pagtataka.

First time lang nilang makapunta dito kaya paano sila nakapunta? Through waze ba? Ang lalakas ng loob para puntahan ang lugar na hindi pa naman nila alam.

Paano na lang kung may mangyari sa kanilang hindi maganda?

"Hinatid naming dalawa ni Zintony ang mga kasama natin, Zhy. Nakakatuwa nga, they were all excited to work," masayang sagot naman ni Dave. Nandoon sa kaniya ang tono ng pagbibida niya sa kaibigan.

Ganoon na lang ang naging kapanatagan ng loob ko nang malaman na inihatid naman pala sila.

Tiningnan ko si Zintony. Tahimik lamang itong kumakain pero ramdam ko na pahilim niya akong sinusulyapan.

"Salamat," wika ko na nasa kaniya ang tingin. Tiningnan lang niya ako at bahagyang ngumiti.

Nakita kong nagkatinginan sa isa't isa  ang dalawang mga sira ang ulo. Si Diana at si Dave na sikretong kinikilig dahil sa nangyayari.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Hindi ko maitatangging kakaiba ang kaniyang kapogian. Kakaiba ang kaniyang naibibigay na presensya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Bagama't mahaba ang kaniyang buhok na nakaipit, hindi pa rin ito alintana para hindi mo malaman na tunay siyang lalaki.

Mas lalo nitong isinisigaw kung gaano siya kalinis sa katawan dahil sa kaputian niyang taglay. Yung adams apple niya na talagang makikita mong gumagalaw na mas lalong nagbibigay sa kaniya ng malakas na dating.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon