Chapter 49

46 4 3
                                    

"I finally owned you, love," Zintony said habang pinadausdos niya ang kaniyang braso sa aking baywang. 

Nagdulot sa akin ng kiliti ang kaniyang hininga nang ilapit niya nang mas malapit ang kaniyang mukha. 

"Not really kasi hindi pa tayo kasal," pang-aasar ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagluwang ng kaniyang yakap. "Psh, doon rin naman tayo mapupunta," he assured.

Kasalukuyan kaming nasa terrace ni Zintony ngayon habang ang iba ay abala pa rin sa pakikipagkwentuhan sa iba. Ang aking naman mga magulang ay panay ang pagtawa dahil sa kalokohan na ginagawa ni Dave. Habang ang mga kasamahan ko sa trabaho ay patuloy lang sila sa pagsayaw ang iba naman sa kanila ay tila lasing na.

"I wonder why you still didn't call me love. Stilll Warren pa rin ba?" 

Tumalon agad ang puso ko sa tinanong niya. Akalain mo nga naman na napansin niya rin pala na hinid ko siya tinatawag na love. Not in a sense na dahil naaalala ko si Warren pero kasi nahihiya pa rin akong tawagin siya sa endearment na 'yon. Feeling ko sobra akong sweet sa kaniya. 

"Ha? Ano-"

"Ano?" panggagaya niya sa akin.

"Kasi -"

"Kasi?"

"Kasi nahihiya ako," sabi ko agad nang hindi tumitingin sa kaniyang mga mata.

Narinig ko naman siyang tumawa na tila may halong kilig. Ngayon ko pa lang siya narinig tumawa nang ganito. Pakiramdam ko tuloy ako na ang nagpapasaya sa mundo niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mamula ang mukha dahil sa ginawa niya.

"I love you so much." Dahan-dahan ko siyang nakikitang lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang chin ko. Dumapo ang kaniyang tingin sa aking mata pababa sa aking ilong hanggang sa huminto siya sa aking labi. Marahan muna siyang ngumiti bago niya tuluyan na angkinin ang aking labi. 

Kinabukasan, mag-isa na lang akong nagising sa kama. Ang pagkaka-alala ko pa magkasama kaming natulog ni Zintony dito kagabi. Marahan akong tumayo sa pagkakahiga at kinusot-kusot sadali ang aking mga mata dahil nanlalabo ito. 

Tahimik ang kwarto na naging dahilan para magbigay ito sa akin ng magandang pakiramdam. Excited ako sa magiging bagong yugto ng buhay ko na kasama si Zintony. Excited ako sa magiging buhay ko kasama ang magiging sarili kong pamilya. 

"Hi sissy, kain ka na rito," aya sa akin ni Ate Vanessa nang makita akong pababa sa hagdan.

"Nasaan si Zintony, ate?" Hindi ko siya makita sa paligid.

Tinuro ni Ate Vanessa ang kinalalagyan ni Zintony gamit ang kaniyang nguso. Nagtataka ko naman sinundan ang kaniyang tinuturo at gulat nang makitang sa sala si Zintony habang tahimik na nakahigang natutulog.

"Baka raw kasi mauna pa ang baby kaysa sa kasal. Mahirap daw ang ikinakasal na moody," natatawang sabi ni Ate Vanessa sa akin.

Pailing-iling kong pinuntahan ang mahimbing na natutulog na si Zintony. Inayos ko ang kumot sa kaniyang katawan at nakangiti akong umupo sa kaniyang gilid para pagmasdan siya. Sa twing pinagmamasdan ko talaga ang kaniyang mukha walang beses na hindi niya napapatalon ang puso ko. Ako na ata ang pinakaswerte sa babaeng lahat.

Tatayo na sana ako para pumunta sa kusina nang bigla niyang hilain ang kamay ko na naging dahilan para matumba ako sa itaas niya. 

Gulat ko man siyang nilingon, ngiti naman ang kaniyang salubong. 

Sa tuwing nagpupumiglas ako ay siya naman lalong paghigpit niya ng yakap sa akin. Para tuloy kaming pinagpatong na suman. 

"Love, ano ba," angil ko. 

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon