Chapter 29

74 27 25
                                    

Ramdam ko pa rin ang pagkabigla sa sistema ko. Ang dampi ng labi ni Zintony sa noo ko ang siyang mas lalong nagpapabaliw sa akin ngayon. Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na madampihan ang noo ko ng halik pero bakit pakiramdam ko bago sa pakiramdam ang naidulot no'n sa akin?

"Alis na po kami, Tita Talya," paalam ni Zintony. "Good bye, kids. See you on the next generation!" pagbibiro niya sa mga bata.

Masaya namang nakangiti sa amin ang mga bata ngunit hindi ko maalis sa mukha nila ang lungkot. "Good bye, kuya and ate!"

Mabilis na yumakap sa binti ko si Cygnus. "Mamimiss ulit kita, ate," ang lungkot ay ramdam ko sa kaniyang boses.

Ulit?

Umupo ako para salubungin ang mga mata niyang nakayuko at iniangat ito. "We will back soon, Cygnus." Tsaka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Nagkaroon muna kami ng group photo bago kami tuluyang sumakay ni Zintony sa kotse niya.

"Did you enjoyed?" Zintony asked me habang nasa byahe.

Hindi ko magawang lingunin siya dahil anytime pwedeng pumatak ang mga luha ko sa saya. "Sobra," I replied. Muntik pang mabasag ang boses ko.

"I never been experienced to be with those kind of kids. They are so makulit pero masiyahin. Nakakawala sila ng pagod," wala sa sariling sabi ko.

"That was awesome. Hindi ako nagkamali na dalhin ka ro'n," proud na sabi niya.

"Minsan kailangan mo rin makipagsalamuha sa iba para magkaroon ka ng peace of mind," dagdag pa niya.

Talagang tinuloy-tuloy na niya ang pakikipag-usap sa akin sa Tagalog, ha. 

Hindi ko naman agad nakuha ang ibig niyang sabihin pero ramdam ko sa puso ko ang pagkakadismaya sa sarili. Bakit ko ba hinayaan ang sarili kong makulong sa nakaraan? Nanghihinayang tuloy ako sa mga araw at taon na lumipas na wala akong pakialam sa paligid ko. Na wala akong nagawa para makatulong sa iba. 

Ngayon ko lang na-realize na tama nga talaga si Diana sa umpisa pa lang.

Hindi ko tuloy maiwasan mapabilib sa taong tinutukoy ni Tita Talya na nakahanap kay Cygnus. Kung siguro kilala ko siya, sobra siguro akong proud dahil marami siyang mga batang nailigtas mula sa pag-aabuso ng iba.

Pinigilan kong mapaluha. Nang makuha ko ang tamang bwelo ay tsaka ako lumingon sa kaniya. "Ngayon lang ako naka-witness na mga ganoong klaseng mga bata. Sobrang tapang nila sa buhay lalo na si Cygnus." 

Gano'n na lang ang pagguhit ng ngiti niya habang nagmamaneho. "They deserved to be treated well, Zhyna. Lahat sila nanggaling sa hindi patas na buhay."

Huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang simbahan. "Let's take a break. Nangawit ang braso ko kakabuhat sa mga bata."

Tinanggal niya ang seatbelt sa katawan at lumabas. Gano'n din ang ginawa ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ngunit gano'n na lang siya kabilis kumilos at naunahan ako. "Thanks," nahihiya kong sabi. Ngumiti lamang siya sa akin bilang tugon.

The church has its own beauty. Nasa labas pa lang kami pero namamangha na ako sa pagiging authentic ng simbahan.

Pinagmasdan lang namin ito sa labas at pareho kami ngayon ni Zintony na nakasandal sa kotse. Sarado ito kaya hindi rin kami makakapasok sa loob. Pinapakiramdaman na lang namin ni Zintony ang simoy ng hangin kahit hindi naman ito kasing lakas sa probinsya.

"We built that orphanage because we want to protect the kids from those harmful people of society," biglang sabi ni Zintony. "And from unfair life in necessity." Ngumiti siya nang mapait.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon